Speaker Martin Romualdez Nag-courtesy call si Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Utray Delgado kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Kamara de Representantes.

Spanish Ambassador Delgado nag- courtesy call kay Speaker Romualdez

153 Views

NAG-COURTESY call si Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Utray Delgado kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Kamara de Representantes.

Ipinaalam ni Sinabi ni Ambassador Delgado kay Speaker Romualdez na nakikipag-ugnayan ang kanyang Embahada sa Philippine Navy upang maipakilala rito ang Navantia, isang Spanish state-owned shipbuilding company na nagdedesinyo at gumagawa ng mga makabagong pang-militar at pang0sibilyang sasakyang pangdagat.

Sinabi ni Speaker Romualdez sa ambassador na itinutulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapataas ng antas ng kakayanan ng pagdepensa ng bansa.

Ayon kay Ambassador Delgado isang opisyal na imbitasyon na ang ipinadala sa Philippine Navy upang bisitahin ang pasilidad ng Navantia sa Spain at makita doon ang kanilang ginawang submarine.

Kasama ni Speaker sa courtesy call sina Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Committee on Foreign Affairs Chairperson Rep. Ma. Rachel Arenas, Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy Chairperson Rep. Glona Labadlabad, Rep. Jurdin Jesus Romualdo, at Secretary General Reginald Velasco.

Bago ang courtesy call nakausap din ng Ambassador sina Committee on Accounts Chairperson Rep. Yedda Marie Romualdez, Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson Rep. Florida “Rida” Robes, Deputy Majority Leader Marlyn Primicias-Agabas, at Minority Leader Marcelino Libanan.