Pascual

Spanish company magtatayo ng offshore wind power plant sa PH

182 Views

MAGTATAYO ang Spanish wind energy developer na BlueFloat Energy ng 7.6 gigawatt offshore wind power plant sa bansa.

Ayon kay BlueFloat Energy Philippines country manager Raymund Pascual nakakuha ang kanilang kompanya ng service contract mula sa Department of Energy (DOE) makalipas ang 18 buwan mula ng pag-aralan ang pagtatayo ng mga floating wind energy turbine.

Ang mga renewable power plant ay itatayo umano sa boundary ng Cagayan at Ilocos Norte, Bataan, Cavite at Manila Bay, at Batangas at Mindoro.

Plano ng BlueFloat na simulan ang pagtatayo ng planta sa 2027 at inaasahan na matatapos sa loob ng tatlong taon.

Nauna ng sinabi ng World Bank na ang Pilipinas ay mayroong potensyal na makalikha ng 21 GW ng kuryente mula sa mga offshore wind power plant.