Pangandaman

Spanish gov’t kinilala sa pagsuporta sa mga program ng PH

172 Views

KINILALA ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Spanish government sa pagsuporta nito sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno ng Pilipinas.

“To our Spanish development partners, we express our deepest gratitude for your support and trust. Thank you for partnering with us and manifesting to us that you are here to invest and that you are here to support our endeavor toward a progressive Philippines,” ani Pangandaman sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng ika-21 anibersaryo ng Philippine-Spanish Friendship Day.

Ayon kay Pangandaman nagbigay ang Spain ng COVID-19 vaccine sa bansa bukod pa sa mga investment nito sa mga infrastructure project gaya ng railway at tulay.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 9187 na nilagdaan noong 2003, ipinagdiriwang sa bansa ang Philippine-Spanish Friendship Day tuwing Hunyo 30 ng bawat taon.