Calendar
Speaker Dy pinuri ni Momo
𝗣𝗜N𝗨𝗥𝗜 ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III dahil sa pahayag na isusulong ang transparency, accountability at pagbabalik ng tiwala ng mga mamamayan sa Kamara de Representantes.
Naniniwala si Momo, chairman ng House Committee on Public Works, na maganda ang pasok ng 2026 sa Kamara de Representantes dahil sa commitment ni Speaker Dy na maibalik muli ang tiwala ng mamamayan sa mga kongresista na nabahiran dulot ng kontrobersiya sa multi-bilyon pisong flood control projects.
Paliwanag ng kongresista na ang ibinigay na pangako ni Dy ay nangangahulugan na maganda ang kinabukasan ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ng kongresista mula sa Isabela.
“Gaya ng aking sinabi noon. Ako’y inyong pinagkatiwalaan bilang Speaker. Patuloy nating gagawin ang lahat ng makakaya upang gawin na mas bukas, mas malinaw at mas mapagkakatiwalaan ang Kongreso,” sabi ni Speaker Dy.
Samantala, pinangunahan ni Momo ang turnover ng flood control structure sa kanyang distrito.
Sinabi ni Momo na matinding problema ang pagbaha sa kanilang lalawigan kaya’t sa pamamagitan ng kanyang proyekto ay unti-unting masusulusyunan ang suliraning nagpapahirap sa kanyang mga kababayan.

