Acidre Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinamadali ni Speaker Martin Romualdez ang pagpapalabas ng P390 million na calamity ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong si Enteng. Ang relief mission na sinuportahan ng Tingog Party-list, ay nag-umpisang magdala ng pagkain at pinansyal na tulong sa mga pinaka-apektadong lugar sa Metro Manila at CALABARZON. Pinangunahan ni Tingog Party List Rep. Jude Acidre ang relief operations sa Barangay San Isidro sa Antipolo, sa pakikipag-koordinasyon sa opisina ni Deputy Speaker Robbie Puno. Kuha ni VER NOVENO

Speaker ipinatupad pagpapalabas ng P390M ayuda sa mga biktima ng bagong Enteng

82 Views

Acidre1ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., plinantsa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Lunes ng gabi ang pagpapalabas ng P390 milyong halaga ng tulong pinansyal para sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng na nagpabaha sa malaking bahagi ng Metro Manila at CALABARZON.

Ang tanggapan ni Speaker Romualdez at ng Tingog Party-list ay maglalabas din ng pondo para sa pamamahagi ng 35,000 food packs na naglalaman ng de lata, noodles, at bigas sa mga evacuation center sa Metro Manila at Rizal simula ngayong Martes.

“Sisimulan natin ngayon ang ating relief mission katuwang ang Tingog Partylist. Nauna tayong humiling ng hiwalay na pinansiyal na ayuda para sa mga distritong nasalanta alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na alalayan ang mga naapektuhan ng bagyo,” ani Speaker Romualdez. “My heartfelt sympathies are with all Filipino families affected by Typhoon Enteng. The flooding in the National Capital Region and CALABARZON, especially soon after Typhoon Carina, is a heavy burden.”

“I understand how overwhelming it must be to face these challenges back-to-back, and I want you to know that you are not alone – we stand with you during this difficult time,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Ayon kay Speaker Romualdez, isang abugado mula sa University of the Philippines (UP), tig-P10 milyong financial aid ang ibibigay sa mga pamilyang apektado sa 39 na congressional district na naapektuhan ng bagyo.

Ang kabuuang P390 milyong financial assistance ay popondohan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“We, at the House of Representatives, have quickly organized financial assistance to help those in need. Through the DSWD AKAP Program, we are providing P10,000 to each of the affected families. While this may be a small step, I hope it offers some immediate relief and helps you begin the process of rebuilding,” wika pa ni Speaker Romualdez.

“I want to extend my sincere gratitude to the House Members who moved swiftly to ensure this support reached those who need it most. Their dedication to serving their communities in such trying times is commendable,” dagdag pa nito.

Uunahin sa mga bibigyan ng tulong pinansyal ang mga pinakabulnerableng sektor na nasalanta ng bagyo upang mabilis na makabangon ang mga ito, ayon kay Speaker Romualdez.

Ang mga benepisyaryo ay mga residente sa distrito nina Rep. Oscar Malapitan, Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy, Rep. Dean Asistio, Rep. Camille Villar, Rep. Romulo Peña Jr., Rep. Luis Campos Jr., Rep. Josephine Veronique Lacson-Noel, Rep. Neptali Gonzales II, Rep. Ernix Dionisio, Rep. Rolando Valeriano, Rep. Joel Chua, Rep. Edward Maceda, Rep. Irwin Tieng, Rep. Benny Abante, Rep. Maan Teodoro, Rep. Stella Quimbo, Rep. Jaime Fresnedi, Rep. Toby Tiangco,

Rep. Edwin Olivarez, Rep. Gustavo Tambunting, Rep. Antonino Calixto, Rep. Roman Romulo, Rep. Arjo Atayde, Rep. Ralph Tulfo, Rep. Franz Pumaren, Rep. Marvin Rillo, Rep. PM Vargas, Rep. Marivic Co-Pilar, Rep. Bel Zamora, Rep. Ading Cruz, Rep. Pammy Zamora, Rep. Eric Martinez, Rep. Michael John Duavit, Rep. Dino Tanjuatco, Rep. Jose Arturo Garcia, Rep. Juan Fidel Nograles, Rep. Mark Enverga, Rep. Romeo Acop at Rep. Robbie Puno.

“As we work together to recover from the effects of Typhoon Enteng, let us continue to support one another. Though the road ahead may be challenging, with compassion and determination, I believe we can rebuild and move forward,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. “To the typhoon victims, please take care and remember that we are with you every step of the way.”