Lydia1

Speaker Martin G. Romualdez, Cong. PM Vargas nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Lydia de Vega

293 Views

NAGPAABOT ng taos pusong pakikiramay sina House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez at isang baguhang Metro Manila congressman kaugnay sa pagpanaw ng dating Olympian at retiradong Filipino sprinter na si Lydia de Vega sa edad na 57.

Sinabi ni Speaker Romualdez na hindi basta-basta maglalaho at mawawala sa ala-ala ng mga Pilipino si De Vega. Sapagkat isa siya sa pinaka-decorated o Pilipinong nakakuha ng napakaraming parangal mula sa local at international competitions.

“Lydia de Vega was one of the greatest and most decorated Filipino athletes. She brought honor and pride to our country by winning numerous medals in the Southeast Asian Games, Asian Games and Asean Athletic Championships,” sabi ni Romualdez.

Biigyang diin ni Romualdez na ang pagpanaw ni De Vega ay nagsilbing “eye opener” para sa pamahalaan at sa ilang “private sector” upang suportahan nila ang mga Pilipinong Atleta hindi lamang sa panahon na sila ay malusog kundi sa panahon na sila’y mga retirado na.

“He death (Lydia de Vega) higlights the need for our government and the private sector to support Filipino athletes not only while they are healthy and physically able to compete but in retirement as well,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ayon naman kay Quezon City 5th Dist. Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas nalulungkot siya sa pagpanaw ng unang babaeng bayani sa katauhan ni De Vega dahil sa husay na ipinamalas nito sa larangan ng sports bilang isa sa mga magaling na “trackster”.

Sinabi ni Vargas na dapat magsilbing isang malinaw na mensahe para sa gobyerno ang naging karanasan ni De Vega upang hindi mapabayaan ang mga retiradong atleta na nahaharap sa matinding krisis sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pampinansiyal na tulong.

Ipinaliwanag ni Vargas na napakahalaga na magkaroon ng sapat na pondo para sa mga Pilipinong Atleta upang sa panahon na sila ay magkasakit o malagay sa sitasyong kagaya ng sinapit ni De Vega ay madali agad na maipapa-abot ang tulong para sa kanila.

“Kailangan po talaga na magkaroon ng malaking pondo para sa ating mga Pilipinong Atleta dahil sila po ang nagbibigay ng karangalan para sa ating bansa. Dapat lamang na suklian ng pamahalaan ang kanilang kontribusyon para sa bansa natin,” sabi ni Vargas.