Marianito Augustin

Speaker Martin G. Romualdez ipinakita sa taongbayan na mayroon siyang paninindigan

192 Views

NAGSIMULA na ang Sine Die Adjournment ng Kamara de Representantes. Subalit sa pagtatapos ng 1st Regular Session ng Kongreso, ipinakita ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na walang kinikilingan at walang pinapanigan ang Kongreso kahit pa kapwa niya kongresista.

Ang tinutukoy natin ay ang naging pahayag ni Speaker Romualdez sa kaniyang talumpati na hindi nila pine-personal si suspended Negros Oriental 3rd Dist. Congressman Arnulfo “Arnie” Teves, Jr. matapos itong muling suspendihin ng 60 araw ng House Committee on Ethics.

Pinanindigan ni Speaker Romualdez na tinutupad lamang nila ang kanilang mandato sa taongbayan na gagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang mga kongresista na pinagkatiwalaan ng mamamayang Pilipino.

Kung talagang walang kasalanan si Congressman Arnie Teves. Bakit hindi na lamang siya umuwi dito sa Pilipinas at harapin ang kaniyang kaso. Sa panig ng Kamara de Representantes, sang-ayon ako sa naging pahayag ng House Speaker. Natural, gagawin lamang nila ang kanilang trabaho.

Mas mahirap kung mapagbintangan sila o akusahan ng publiko na pinagtatakpan nila ang kamalian ng kanilang kasamahan. Ipinakita lamang ni Speaker Romualdez na walang pinapanigan o kinikilingan. Ang ginagawa lamang nila ay ang kanilang sinumpaang tungkulin na maglilingkod sila ng tapat.

Ipinakita lamang ni Speaker Romualdez na mas matimbang para sa kanila ang kanilang tungkulin sapagkat nagtiwala ang taongbayan sa kanila kaya nararapat lamang na tumbasan din nila ang pagtitiwalang ito.

Hindi matatawaran ang ipinapakitang sipag ng OWWA Region 3 para sa kapakanan ng ating mga OFWs

PUSPUSAN ang pagsisikap ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 na mapabuti ang kanilang serbisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtutungo sa kanilang tanggapan diyan sa Pampanga kabilang na ang kanilang mga pamilya.

Ang magandang performance ng OWWA Region 3 ay dahil sa mahusay na pamumuno ni Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar na nagsasagawa ng iba’t-ibang proyekto para sa kapakinabangan ng mga OFWs at pamilya nila na nagtutungo sa kanilang tanggapan para humingi ng tulong.

Isa sa mga proyektong isinagawa ng OWWA Region 3 sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Ace Millar ay ang ocular at immersion sa Kape Natividad para turuan ang mga staff at personal ng nasabing ahensiya tungkol sa pagsasalang ng “brewed coffee”.

Ipinaliwanag na sa atin dati ni Atty. Millar na ang pagsisilbi nila ng libreng “brewed coffee” para sa mga OFWs na nagtutungo sa tanggapan ang siyang pangunahing ‘attraction” ng kanilang ahensiya.

Sinabi pa ni Atty. Millar na ang pagbibigay nila ng libreng brewed coffee para sa mga OFWs at kanilang pamilya ang pangunahing proyekto ng OWWA Region 3 upang maiparamdam sa mga OFWs na “welcome” umano sila sa kanilang tanggapan at pagbibigay narin nila ng natatanging serbisyo.

Ang ibig sabihin ni Atty. Falconi ay nais nilang iparamdam sa mga kababayan nating OFWs ang isang serbisyong de-kalidad. Sapagkat ganoon din naman ang ipinapakita ng mga OFWs para sa ating bansa. Hindi ba’t kilala ang mga Pinoy sa abroad na “good service” at pagiging hospitable.