Martin

Speaker Martin Romualdez nagpa-abot ng marubdob na pagbati kay PBBM sa ika-65 na kaarawan nito

Mar Rodriguez Sep 13, 2022
111 Views

BBM

NAGPAABOT ng isang marubdob at maigting na pagbati si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez para kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa pagdiriwang nito ng kaniyang ika-65 kaarawan.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nakasalalay sa balikat ni Pangulong Marcos ang pangarap at panaginip ng 112 milyong Pilipino na umaasam ng isang magandang kinabukasan para sa Pilipinas.

Gayunman, tiniyak ng House Speaker na nasa likod ng Pangulo ang lahat ng miyembro ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 19th Congress na nakahandang makipagtulungan sa kaniya upang makamit ang tagumpay at mai-angat ang kalagayan ng mga Pilipino.

“We the Members of the House of Representatives of the 19th Congress are behind you all the way as we work together to uplift the lives of our countrymen. Upon your shoulders lay the hopes and dreams of 112 million Filipinos,” ayon kay Speaker Romualdez.

Panalangin din ni Romualdez para sa Pangulo ang pagkakaroon nito ng isang maayos at magandang kalusugan at kalakasan upang patnubayan siya ng Panginoon sa kaniyang pagsisikap na makahanap ng solusyon para mapabuti ang kalagayan ng mamamayang Pilipino.