Martin

Speaker Martin Romualdez nakiramay sa pagpanaw ni DMW Sec. Toots Ople

Mar Rodriguez Aug 22, 2023
157 Views

IKINALUNGKOT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople ng Department of Migrant Workers.

“Migrant workers, and workers in general, have just lost a great and tireless champion in Secretary Ople. She was the first secretary of the department Congress had created to focus on attending to the welfare of millions of overseas Filipino workers (OFWs),” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nakilala si Ople sa kanyang masigasig na pagtataguyod sa kapakanan ng mga manggagawa kaya kinikilala ito hindi lamang ng mga labor group sa bansa kundi maging sa ibang bansa.

“She took up such advocacy from her father, the late Senate President Blas F. Ople, who was labor minister of President Ferdinand Marcos Sr. Father and daughter served under two Marcoses,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara, matapos pumanaw ang ama ni Toots Ople ay ipinagpatuloy nito ang pagtulong sa mga overseas Filipino worker at mga manggagawa sa bansa sa pamamagitan ng Blas F. Ople Center, ang tanggapan na itinayo ng kanyang tatay.

“Our thoughts and prayers go to Secretary Toots Ople’s family and loved ones at this most difficult time,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Secretary Toots Ople’s family and loved ones at this most difficult time,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.