Calendar
SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ PARANG SI TIM CONE – MAGALING NA COACH
NAGPAPA-ABOT tayo ng isang taos pusong pagbati kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa nakamit nitong mataas na satisfactory rating na isinagawa ng Pulse Asia.
Nakakuha si Speaker Romualdez ng 51% approval rating mula sa Pulse Asia survey. Ganoon din si Senate President Juan Miguel “Migs” Zubiri. Ipinapakita lamang nito na talagang hard working o masigasig ang Kongreso at Senado sa pagta-trabaho para kapakanan ng mamamayang Pilipino.
Muli natin sasabihin na malaking malaki na talaga ang pinagbago ngayon ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 19th Congress. Sapagkat noong araw ang mga panukalang batas bago maipasa ay inaabot pa ng ilang buwan o taon bago maisa-batas. Pero ngayon ay mabilisan at puspusan talaga.
Isa lamang ang ibig sabihin nito. Mahusay ang nagtitimon kaya mahusay din ang sistema ng kasalukyang liderato ng Kongreso. Muli kong uulitin na “unprecedented” o unparallel ang leadership ni Speaker Romualdez kaya naman kitang-kita ito sa survey result ng Pulse Asia.
Walang iniwan iyan sa isang basketball team. Kung ang lineup ng isang koponan ay malalim at formidable. Ang basketball team na ito ay matatawag na “championship calibre”. Ganyan ang kasalukuyang liderato ni Speaker Romualdez na gaya ng isang malakas na basketball team.
Kagaya ni Coach Tim Cone ng Barangay Ginebra San Miguel. Si Speaker Romualdez ay parang isang magaling din na Coach ng kaniyang sariling koponan (19th Congress). Kaya naman kitang kita sa survey na “champion” ang kasalukuyang liderato ng Kongreso sa mata ng publiko.
Malalim din ang line-up ng 19th Congress kagaya sa Barangay Ginebra. Andiyan sina Congressmen Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, Inno Dy ng Isabela, Budoy Madrona ng Romblon, OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino at MIkee Romero ng 1-PACMAN Party List.
Kaya naman sino pa ba ang kukuwestiyon sa lineup ng Kongreso kung ang mga miyembro nito ay mga mahuusay, magagaling, matatalino at mga beterano sa larangan ng politika. Si Congressman Budoy Madrona na lang. Kitang kita natin ang husay at galing ng kongresistang ito. Hindi lang iyan. Napaka-sipag pa.
MODERNIZATION NG FDA LABAN SA MGA PEKENG BEAUTY PRODUCTS
NAPAPANAHON na siguro para maisulong ang modernization ng Food and Drug Administration (FDA). Sapagkat napakaraming problema ang kailangang tutukan ng ahensiya kabilang na dito ang mga naglipanang “unhealthy foods” at mga pekeng “beauty products” kagaya ng mga whitening soap at lotion.
Kaya tamang tama ang naging pagkilos ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., sa pamamagitan ng paghahain nito ng kaniyang House Bill No. 5697 para magkaroon ng modernization ang FDA. Ang isa sa modernization na kailangan ng FDA ay ang pagkakaroon ng malaking budget.
Paano nga naman nila magagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin laban sa naglipanang mga pekeng produkto kung kulang sila sa logistics. Maaari ba silang sumabak sa giyera na kulang ang kanilang bala? O kaya naman ay lulusong sila sa isang digman na ang dala nila ay sumpit o kaya ay tirador?
Kaya naman to the rescue si congressman Romero para tulungan ang FDA na magkaroon ng malaking pondo. Sapagkat ang pinaka-mahirap sa lahat ay ang kakulangan ng budget. Kahit saan naman larangan o field, kapag kulang ang pondo mo ay wala kang patutunguhan.
Halimbawa, kung ikaw ay makikipag-date. Magkakasya kaya ang P200.00 sa bulsa mo? siyempre kakain pa kayo, manonood ng sine at sasakay ng GRAB Taxi para umuwi sa bahay niyo. Eh kung P200.00 lang pera mo sa bulsa. Mabuti pang matulog ka na lang at baka magkamuta ka pa.
Magpasalamat na lamang tayo at mayroong mambabatas na tulad ni congressman Mikee Romero na nagmamalasakit para sa mga ahensiya ng pamahalaan na hindi masyadong nabibiyayaan ng malaking pondo at napag-iiwanan ng panahon. Kasama na ang mga empleyadi nito.
Salamat po congressman Mikee Romero sa inyong kabutihang loob at malasakit para sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng FDA.
MALALIM NA IMBESTIGASYON NG DILG SA DOUBLE COVERUP HIRIT NI BARBERS
HINIHIMOK ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, si DILG Secretary Benhur Abalos na laliman pa nito ang kanilang imbestigasyon sa hinihinalang “double coverup” at double recycling na kinasasangkutan ng ilang tiwaling pulis.
Habang tumatagal ay lalong palalim ng palalim ang kontrobersiya sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nakumpiska mismo kay Police Sgt. Rodolfo Mayo, Jr. sa Tondo noong October 8, 2022 sa Tondo. Ang hinala ni congressman Barbers ay masyadong masalimuot at malalim ang kasong ito.
Sinabi ni Barbers na base sa mga dokumento at video footages ay kitang kita kung papaano naganap ang unang “double coverup” attempt nang tangkain ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na palayain si Mayo upang gamitin sana kanilang follow-up operation sa Pasay City.
Masyadong masalimuot at kompikado ang usaping ito. Kaya dapat lamang na magkaroon pa ng malalim ng imbestigasyon patungkol dito.
Ang payo lamang natin kay congressman Ace Barbers ay kaunting ingat lang po boss. Hindi po pipitsugin ang sasagupain niyo. Kaya kaunting ingat lang boss.
DUMALO SI CONG. GMA SA CAPIZ CELEBRATION
DINALUHAN ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang “kick-off” celebration ng 122 founding anniversary ng Capiz province kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 death anniversary ni dating Pangulong Manuel A. Roxas ang lolo ni dating Senator at Mr. Palengke Mar Roxas.
Mainit at marubdob ang naging pasasalamat ni Capiz Governor Fredenil “Fred” Castro kay Congresswoman Macapagal-Arroyo sapagkat sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Nagkaroon ng mga mahahalaga o vitak infrasrructure ang lalawigan. Kabilang na ang pag-unlad ng ekonomiya nito.
Sa nasabing okasyon, sinabi ng dating Pangulo na ang mga “infrastructure projects” na ginawa niya para sa lalawigan ng Capiz ay sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng “economic reforms” partikular na ang E-VAT.
Marahil ay nakikita na ngayon ng mamamayang Pilipino ang mga bunga ng pagsisikap ng dating Pangulo na noong una’y marami ang bumabatikos sa E-VAT. Subalit ngayon ay kitang-kita ng kanilang mga mata ang magandang resulta mula sa E-VAT sa pamamagitan ng mga proyekto.
Ang mga isinulong na “economic reforms” ni congressman Macapagal-Arroyo ang tunay na nagtulak sa bansa para makamit nito ang 76 quarters ng uniterrupted growth na nagsimula noong kaniyang administrayon.