korean Ipinarating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pakikiramay at pakikisimpatya nito sa mga nasawi sa pagbaha sa South Korea kay South Korean Ambassador Lee Sang-hwa na nag-courtesy clal sa kanya sa Manila Golf Club sa Makati City. Kuha ni VER NOVENO

Speaker nagpaabot ng pakikiramay sa mga pumanaw sa baha sa Korea

159 Views

NAGPAABOT ng pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga nasawi sa pagbaha sa South Korea.Ipinarating ni Speaker Romualdez ang pakikiramay at pakikisimpatya nito kay South Korean Ambassador Lee Sang-hwa na nag-courtesy clal sa kanya sa Manila Golf Club sa Makati City.

“I know that recently there was a flash flood in south korea and I know there are a number of casualties. So, we’d like to condole with the people of South Korea who suffered these losses, these casualties,” sabi ni Speaker Romualdez kay Ambassador Lee.

Ayon kay Speaker Romualdez ang South Korea ay isa sa mga unang bansa na nagpadala ng tulong sa Pilipinas matapos manalasa ang super typhoon Yolanda na tumama sa Leyte at mga karatig lugar at nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong tao.

Bagamat magkaiba umano ang South Korea at Pilipinas sa maraming bagay, nagkakapareho umano ang dalawang bansa pagdating sa nararanasang epekto ng climate change.

“We go through these all the time,” sabi ni Speaker Romualdez.

Habang mayroon umanong mga lumikas na South Koreans dahil sa pagbaha, mayroon namang mga Pilipino na inilikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

“I know now that in the Central City of Cheongju in South Korea that there have been torrential rains and flash floods. So again, we condole with the Korean people for the loss of lives, for the injuries, and of course to the evacuees,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Nagpasalamat naman si Ambassador Lee sa pakikiramay at pakikiisa ni Speaker Romualdez sa South Korea.

“I highly appreciate your words of condolences and sympathy and solidarity,” sabi ni Ambassador Lee kay Speaker Romualdez.

Nauna ng nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa South Korea.

Ayon sa ulat, 40 na ang nasawi, 34 ang nasugatan at mahigit 10,000 ang inilikas kaugnay ng pagbaha mula noong Hulyo 9.