Martin File photo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pinangungunahan ng pamimigay ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa 10,528 benepisyaryo na binubuo ng karamihan ay SM employees sa SM Fairview sa Quezon City. File photo ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: AKAP para sa 4M benepisyaryo ipaglalaban ng Kamara

Mar Rodriguez Nov 21, 2024
82 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta ng Kamara de Representantes upang pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2025 na badyet, na pakinabangan ng mahigit apat na milyong “near poor” na mga Pilipino sa buong bansa.

“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty,” ani Speaker Romualdez. “This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks.”

Ang programa, na pinasimulan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, ay naging mahalaga sa pagtulong sa mga pamilyang kulang ang kinikita.

Ito ay nagbibigay ng one-time cash assistance na mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ang kita ay mababa sa poverty threshold at walang ibang ayudang tinatanggap mula sa gobyerno.

Binanggit ni Speaker Romualdez na malinaw ang epekto sa malawak na naabot ng AKAP, kung saan ₱20.7 bilyon mula sa ₱26.7 bilyon na alokasyon ang nagamit na, at napakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR). Gayundin sa mga rehiyon tulad ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas ay nakapagtala rin ng mataas utilization rates ng pondo na higit sa 70 porsyento.

“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Speaker Romualdez.

Hinimok si Speaker Romualdez ang Senado na pag-isipang muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP, na siya ring apela ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na protektahan ang programa sa 2025 na badyet.

“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” giit pa ni Speaker Romualdez.

Binanggit din ng Speaker ang mas malawak na benepisyo ng programa sa ekonomiya, na sinabing ang pagtulong sa mga pamilyang nagtatrabaho ay nakakatulong upang mapanatili ang consumer spending at economic growth.

“The AKAP initiative reflects our collective vision of a more inclusive and compassionate governance model. It is the kind of program that builds trust in government by directly addressing the needs of ordinary Filipinos,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Pinagtibay din ng liderato ng Kamara ang pagbibigay-prioridad sa mga programa tulad ng AKAP na nag-aangat sa buhay ng mga maralitang Pilipino habang tumutulong sa pambansang pag-unlad.

Habang nagpapatuloy ang mga deliberasyon sa badyet, tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na hindi titigil ang Kamara upang masiguro na maipagpapatuloy ang programa.

“We will fight for AKAP because it fights for the Filipino people. This program is a testament to what good governance can achieve, and we will not allow its gains to be rolled back,” ani Romualdez.