Martin2 Sinasagot ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tanong mula sa media sa isang ambush interview matapos ang in an ambushed Lakas-CMD -Partido Federal ng Pilipinas (PFP)Alliance Signing Miyerkules ng umaga sa Manila Polo Club s Makati City. Kuha ni. Ver Noveno

Speaker Romualdez: Asahan mas masigla, maagap na pamahalaan

98 Views

Sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas

ASAHAN ang pagkakaroon ng mas masigla, maagap at may pananagutang pamahalaan sa ilalim ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas,” ang kasunduang nilagdaan ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD na mayroong 100 miyembro sa Kamara de Representantes.

Sa pagpasok sa kasunduan ng Lakas-CMD at PFP ay nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng PFP, sa event na ginanap sa Makati City.

“As we sign this agreement today, we do so with the full weight of our responsibility in mind. This document is not merely symbolic – it is a covenant with our citizens, a promise of unwavering dedication and relentless effort to unite and uplift our beloved country,” he told his colleagues in the two political parties,” ayon kay Speaker Romualdez.

“In the upcoming years, through the Alyansa para sa Bagong Pilipinas, you will witness a government that is more dynamic, more proactive, and more responsive to the needs of its people. This alliance will demonstrate how collaboration and genuine partnership can translate into real, impactful change,” ayon sa mambabatas.

Iginiit pa ni Speaker Romualdez na ang pagsasanib ay hindi lamang alyansa sa pagitan ng partido; kundi ay kumakatawan sa magkakasamang hangarin tungo sa kaunlaran at kabutihan ng bawat mamamayang Filipino at ang simula ng bagong pamamahala na ang pundasyon ay pinalakas ng integridad, pagiging bukas para sa lahat, may pananagutan at walang maiiwanan.

“Our agenda is clear. We are here to enhance the quality of life for every Filipino. We commit to ensuring that the fruits of economic growth are distributed equitably, reaching every province and every community. We pledge to uphold the highest standards of governance, making every decision and action transparent and accountable to the people we serve,” ayon pa sa lider ng Kamara.

Binigyan diin pa ng mambabatas na ang alyansa ay naka-angkla sa mga inisyatibo at estratehikong direksyon sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Marcos Jr., sa pagsisikap na maipatupad ang mga polisiya na magpapalakas sa ating ekonomiya, pagpapabuti ng mga imprastraktura, at maiangat ang pangkalusugan at sistema ng edukasyon.

“We are dedicated to sustainable development that addresses both present and future needs, securing a prosperous legacy for the generations that will follow,” dagdag pa niya.

Ang pagsasama ng dalawang partido pulitikal, ayon pa sa mambabatas ay bubuo sa pinaka makapangyarihan pwersa sa pulitika sa bansa sa kasalukuyan.

“Our strength is not only in our numbers but in our shared resolve to enact substantial and lasting change throughout the Philippines. Our alliance is distinguished not only by its breadth but also by its depth,” dagdag pa ng mambabatas.

Kabilang dito aniya, ang dalawang kilalang senador, mayorya ng bilang ng mga mambabatas sa Kamara ang nakiisa sa kanilang hanay, kasama rin ang hindi mabilang na gobernador, alkalde ng mga munisipyo at lungsod, maging ang mga miyembro ng sangguniang panlalawigan, at mga konsehal ng lungsod at bayan mula sa buong bansa.

“This extensive network of committed public servants at every level ensures that our vision for a Bagong Pilipinas is not just a top-down directive but a nationwide movement, permeating every corner of the archipelago,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Dagdag oa ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, “From the bustling streets of our cities to the quiet pathways of our barangays, members of this alliance are unified in their mission to spread and implement the vision of a new Philippines. We are driven by the goal of creating a nation where every citizen has the opportunity to prosper, where governance is participatory, and where progress is felt by all.”

Ipinaalala naman ni Speaker Romualdez sa mga kasapi ng alyansa ang malaking hamon na naghihintay, na kakaharapin ng magkakasama ng may higit na pag-asa at determinasyon sa mga oportunidad na kaakibat nito.

“Together, we can turn these challenges into catalysts for growth and transformation,” wika pa nito.

Inanyayahan din ng mambabatas ang kanyang mga kasamahan, maging ang mga hindi kaaanib ng alyansa, o mga tagasuportang nagmamasid, na makiisa at mag-ambag sa magandang layunin ng pagkakaisa.

“Let us join hands and hearts, uniting our efforts in building a better future for the Philippines. Together, we will realize the dream of a Bagong Pilipinas, not just in our hopes but in our everyday realities,” ayon pa kay Speaker Romualdez.