Martin Si Leyte 1st District Representative at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nagtungo sa V&G Dela Cruz Memorial Elementary School sa Tacloban City upang bumoto Lunes ng hapon.

Speaker Romualdez: Bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kinabukasan

56 Views

TACLOBAN City – Pinaalalahanan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na ang araw ng halalan ng Lunes ay isang sagradong pagdiriwang ng demokrasya, kung saan ang bawat Pilipino ay may mahalagang tungkulin sa pagtutukoy ng direksyon at magandang kinabukasan ng bansa.

“Today, each Filipino has the power to shape the future of the Republic. When you cast your vote, you are not merely fulfilling a civic duty but taking part in a solemn act of democracy,” ani Speaker Romualdez.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagboto ay hindi lamang isang simpleng proseso, kundi isang makabuluhang pagpapahayag ng konsensya at paninindigan para sa ikauunlad ng Pilipinas.

“Your ballot is a declaration of conscience, a quiet but resolute affirmation of your role in building our nation,” pahayag pa ng pinuno ng Kamara.

Nanawagan si Speaker Romualdez para sa mahinahon at mapayapang halalan, at hinikayat ang mga Pilipino na pahalagahan ang araw ng halalan para sa kinabukasan ng bansa.

“Let us vote not with indifference or haste but with reflection, integrity, and care. This day reminds us that democracy lives not in institutions alone but in the choices of ordinary citizens acting with extraordinary purpose,” aniya.

Ipinaalala rin niya na bawat boto ay may malaking halaga sa pagpapanatili at pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.

“Ang bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kinabukasan, atin itong pananagutan at paninindigan bilang mamamayang Pilipino,” saad ni Speaker Romualdez.

“Piliin natin ang katahimikan, kaayusan, at paggalang sa proseso. Sa bawat pagboto, ipinapakita natin ang ating malasakit sa bayan at ang ating hangaring mapanatiling matatag ang demokrasya,” dagdag pa ng mambabatas.

Hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga botante na respetuhin at ingatan ang halalan, at alalahanin ang mga taong nagsikap at nagsakripisyo para mapanatili ang kalayaang ito.

“I urge every Filipino to protect the sanctity of this process. Let us honor those who came before us by exercising this right responsibly, with discipline and dignity,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Tinapos ni Speaker Romualdez ang kanyang mensahe sa pagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at aktibong paglahok ng bawat isa para mapanatili ang lakas ng demokrasya.

“With each vote, we renew our shared responsibility for the direction of our nation,” saad pa ng kongresista.

“Together, through unity, vigilance, and participation, we uphold our democracy and strengthen our future. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang bawat Pilipinong botante,” ayon pa kay Speaker Romualdez.