Martin1

Speaker Romualdez binati si PBBM

Mar Rodriguez Apr 19, 2024
26 Views

Sa pagkakabilang sa “100 Most Influential People in 2024” ng TIME Magazine

NAGPAABOT ng taos puso at marubdob na pagbati si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos matapos mapabilang sa “100 Most Influential People in 2024” ng TIME Magazine.

Ayon kay Speaker Romualdez, pinagtitibay ng prestihiyosong pagkilala ang dedikasyon ni Pangulong Marcos na itaguyod ang pambansang interes lalo na sa pagdepensa sa soberanya laban sa external threats sa gitna ng tumitinding tensyon.

Sinabi ng House Speaker na nakapagdulot ang pamumuno ni Pangulong Marcos, Jr. ng improvements kabilang ang strategic economic policies na nagdala ng stability at paglago sa kabila ng walang katiyakang mga pandaigdigang isyu.

Nagpakita rin aniya ng malasakit ang punong ehekutibo sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa inisyatiba na tumugon sa mga suliranin sa lipunan.

Pinuri naman ni House Deputy Speaker David Suarez ang “principled approach” ni Marcos sa paggiit sa karapatan sa soberanya sa harap ng external threats na umani umano ng paghanga mula sa domestic at international communities.

Dagdag pa ni Suarez, sumigla ang ekonomiya dahil sa pagsisikap ng administrasyon na mang-engganyo ng foreign investments na nagresulta sa paglikha ng trabaho.

Bahagi naman umano ng komprehensibong economic agenda ang pagresolba sa unemployment at underemployment gayundin ang critical infrastructure projects na nakatutok sa connectivity, inclusive growth at regional development.