Martin Nagbigay ng mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (pangatlo mula kanan) sa Bicameral Conference Committee on the Disagreeing Provisions of the Proposed Fiscal Year 2025 Budget sa Sheraton Ballroom Hotel sa Pasay City. Nasa litrato rin sina (mula kaliwa) Minority Leader Marcelino Libanan, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, Committee on Appropriation Chairman Elizaldy “Zaldy” Co, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Marikina Rep. Estella Luz Quimbo, Senator Grace Poe, Senate President Chiz Escudero at Senator Jinggoy Estrada. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Budget dapat una ang Pilipino

Mar Rodriguez Nov 28, 2024
56 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes sa bicameral conference committee (bicam) na magbalangkas ng pambansang badyet para sa 2025 na direktang tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino.

“We’re all here because we’ve been trusted with a responsibility. Let’s live up to that trust. Let’s have honest, productive discussions, and let’s find the common ground that puts the people first,” ani Speaker Romualdez sa unang pulong ng bicam na may tungkuling pagtugmain ang bersyon ng badyet ng Kamara at Senado.

“We owe it to every Filipino who wakes up every day trying to make ends meet, hoping that their government has their back. Let’s give them a budget that says, ‘Yes, we hear you. Yes, we care. And yes, we’re doing something about it’,” saad niya.

Sinabi ng lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara na hindi kailangang gawing komplikado ng bicam ang kanilang deliberasyon sa badyet.

“Let’s keep things practical and straightforward. We don’t need to overcomplicate this. Let’s focus on what will make the biggest difference for the Filipino people. The programs that matter, the services they rely on, and the investments that will move this country forward – those should be non-negotiable,” aniya.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng bicam na ang badyet ay may kapangyarihang magpabuti o magdulot ng kaguluhan sa buhay ng milyun-milyong Pilipino.

“This is no ordinary task. We’re not just crunching numbers; we’re crafting solutions to real problems faced by real people every single day,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Tiniyak din niya na ang bersyon ng badyet ng Kamara ay sumasalamin sa mga prayoridad ng mga Pilipino.

“We focused on what’s urgent: keeping food prices down, creating jobs, making healthcare accessible, improving education, and ensuring disaster preparedness,” paliwanag niya.

Naniniwala rin siya na pareho ang layunin ng mga senador.

“So now, it’s up to us in this bicam to bridge the gaps – not just between the House and the Senate but, more importantly, between what our people need and what we can deliver,” wika ni Speaker Romualdez.

“This is where we prove that we’re capable of working together, not just as representatives of our respective chambers but as leaders who genuinely care about the future of this country,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng House leader na maaaring magkaiba ang mga pamamaraan ng dalawang kapulungan, ngunit dapat pareho ang resulta: isang badyet na kapaki-pakinabang sa lahat – mula sa mga magsasaka sa probinsya, sa mga manggagawa sa lungsod, sa mga maliliit na negosyante, hanggang sa mga estudyanteng nangangarap ng mas magandang buhay.

“I know we can get this done, and I know we can do it right. So let’s get to work,” sabi niya.