Vic Reyes

Speaker Romualdez di credit grabber, respetadong lider

Vic Reyes Apr 13, 2025
27 Views

MAGANDANG Lunes Santo sa lahat ng ating mambabasa.

Sana ay nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Mabuhay kayong lahat!

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki , La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, , Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata, ang kasangga ng mga Pinoy sa Japan.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

ANG mga aksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay naglalayong higit na mapaganda ang buhay ng tao, lalo na ang mga mahihirap sa kanayunan.

Kaya nga dapat ihalal natin sa darating na eleksyon ay mga kandidatong may malasakit sa bayan at taumbayan.

Sana walang mahalal na “destructive critics” ng administration.

Okay lang na meron tayong“constructive” o well-meaning na political opposition.

Ang well-meaning opposition ay hindi katulad ng “destructive critic” na ang tanging layunin ay pabagsakin ang gobyerno.

Ang gusto lang ng “constructive critic” ay ituwid ang mga nakikitang mga kamalian sa gobyerno.

Sa isang demokrasya ay kailangan talaga ng matitinong “fiscalizers” at hindi“magugulong kritiko.”

Tama ba kami, Pangulong BongbongMarcos?

***

Ibang klase talaga itong si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte.

Kaya siguro mahal siya ng mga miyembro ng House Representatives, lalong-lalo na ang mga matataas na opisyal ng Mababang Kapulungan.

Sa tingin ng maraming observers ay hindi credit-grabber si Speaker Romualdez.

Sa totoo lang, biglang sikat ang ilang kongresista dahil sa mga ginagawang imbestigasyon.

Ni minsan ay hindi nakitang umepal si Speaker Romualdez sa mga imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kogreso.

Sa tingin nga ng marami, kasama na ang mga mamamahayag na nagco-cover sa Kongreso, ay buo ang tiwala ni Speaker Romualdez sa kanyang mga opisyal.

Ang ganyang asal at ugali ng isang mataas na opisyal ng gobyerno ay nagpapatunay na isa siyang respetadong lider ng bansa.

Hindi lamang siya humble kundi madaling lapitan at marunong kumilala sa mga mabuting ginawa ng kapwa.

Ganyan si Speaker Martin Romualdez ng Leyte!

***

Bukas, Lunes Santo na.

Magsisimula na taunang exodus ng mga nakatira sa Metro Manila.

Taun-taon, tuwing Semana Santa ay umuuwi sa kani-kanilang probinsiya ang maraming residente ng MM.

Handa naman ang mga otoridad, lalo na ang mga  opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) para alalayan ang mgabakasyunista.

Sa pag-uwi sa probinsiya, ingat lang sa mga nagkalat na  masasamang elemento, na kagaya ng mga miyembro  ng “Salisi Gang.”

HAPPY TRIP AT GOD BLESS!