Tulfo

Speaker Romualdez: DML Tulfo mahalagang karagdagan sa Lakas-CMD

116 Views

OPISYAL nang lumahok si Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo sa ruling Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Biyernes, at mismong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang siyang nag-administer sa panunumpa niya bilang ika-112th miyembro ng House of Representatives.

Pinuri naman ni Speaker Romualdez, ang pinuno ng 300-miyembro ng Kongreso at pangulo ng Lakas-CMD, si Tulfo bilang isang mahalagang karagdagan ng kanilang partido, at nagpahayag ng kumpiyansa sa mahalagang kontribusyon na hatid niya sa partido at sa bansa.

“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” ani Speaker Romualdez.

Si Tulfo, na dating journalist at kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay kilala sa kanyang walang takot at ‘no-nonsense approach’ sa public service, gayundin sa hindi matatawarang dedikasyon niya para sa kapakanan ng marginalized Filipinos.

Siya ay kasalukuyang frontrunner sa Senate race para sa May 2025 midterm elections.

“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” ani Speaker Romualdez.

Nagpahayag rin ang lider ng Kamara ng optimism na ang membership ni Tulfo ay maghahatid ng sariwang enerhiya sa partido.

“As the newest member of Lakas-CMD in the House, Cong. Erwin strengthens our commitment to public service. His no-nonsense approach is exactly what we need as we push for reforms and transparent governance,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi niya na ang pagsapi ni Tulfo sa Lakas-CMD ay inaasahang magpapalakas sa legislative drive ng partido, partikular na sa social reforms at public welfare initiatives.

“With Cong. Erwin on board, we are even more determined in our quest for meaningful change. His experience, leadership, and dedication to public welfare will be invaluable not just to Lakas-CMD but to the entire nation,” anang Speaker.

“His voice will play a crucial role in advancing our legislative agenda, and we are confident that his influence will help uplift the lives of every Filipino,” dagdag pa niya.