Calendar

Speaker Romualdez: Game-changer na batas para sa pagkain at kabuhayan tinapos ng Kongreso
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapatibay ng bicameral conference committee report ng panukalang Livestock Development and Competitiveness Act, na isa umanong “game changer” upang bumaba ang presyo ng pagkain at magkaroon ng dagdag na kabuhayan ang milyun-milyong Pilipino.
“This measure brings us closer to what every Filipino family deserves: affordable, safe food on the table and meaningful livelihood for those who feed the nation. We are responding directly to the marching order of President Ferdinand Marcos Jr. to prioritize food security and rural development,” ani Speaker Romualdez.
Naratipika na ng Kamara at Senado ang bicam report at nakatakda nang ma-enroll at maipadala sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo upang maging ganap na batas.
Inilarawan ni Speaker Romualdez ang panukala bilang isang haligi ng Bagong Pilipinas agenda ng Pangulo, kung saan inuuna ang pangangailangan ng parehong mamimili at mga prodyuser.
“Batas ito para sa bawat pamilyang Pilipino na nangangarap ng abot-kayang pagkain, mas maayos na kabuhayan at kinabukasang may kasiguruhan para sa kanilang mga anak,” aniya.
Layon ng Livestock Development and Competitiveness Act na palakasin ang lokal na produksyon ng baboy, manok, gatas at itlog sa pamamagitan ng pagsuporta sa maliliit na magsasaka at gawing moderno ang supply chain sa bansa.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na hindi lamang paglago ng industriya ang itinataguyod ng batas, kundi ang pagkakapantay-pantay at pagpapalakas nito sa lahat ng sektor.
“For backyard raisers and livestock farmers who’ve long been left behind, this is the support they’ve been waiting for — access to credit, veterinary care, post-harvest facilities and infrastructure that can finally elevate their livelihood,” paliwanag ni Speaker Romualdez.
Sa pamamagitan ng pagtaas ng pamumuhunan sa mga feed mill, katayan, cold storage facility at logistics, inaasahan na mapapalago ng batas ang pag-unlad sa mga kanayunan at lilikha ng mga bagong trabaho sa sektor ng agrikultura.
“Through this measure, we’re creating the conditions for sustained rural development. Jobs will follow where there is investment. That’s how you empower communities from the ground up,” paliwanag pa niya.
Mahalagang bahagi ng bagong batas ang pagpapabuti ng mga biosecurity system at food safety standards upang maprotektahan laban sa mga sakit ng hayop at matiyak na ligtas at dekalidad ang karne at gatas para sa mga Pilipinong konsumer.
“Health and safety go hand in hand with affordability. Kung hindi mura ang pagkain, mas mahihirapan ang ating mga kababayan. Kaya sinisiguro ng batas na ito na hindi lamang bababa ang presyo ng pangunahing bilihin, safe at masustansiya din ang ating pagkain,” giit niya.
Tinukoy din ng Speaker ang mabilis at pinag-isang aksyon ng parehong kapulungan sa pagbuo ng panukala, bilang patunay sa pangakong itaguyod ang sektor ng agrikultura at tiyakin ang food sovereignty.
“Ito ang klase ng batas na makikita mo ang malasakit at bisyon ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos. Hindi lang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nagpahayag siya ng pasasalamat kina House Agriculture and Food Committee Chair Rep. Mark Enverga, Senate Agriculture Chair Sen. Cynthia Villar, at sa lahat ng conferees na sumiguro na ang pinal na bersyon ng batas ay balanse sa pagitan ng pangangailangan ng sektor at ng pambansang interes.
“Legislation like this proves that when Congress acts in harmony with the Executive, genuine progress becomes not just possible but inevitable,” ayon pa kay Speaker Romualdez.
“With the President’s signature, this game-changer law will become a powerful tool for economic inclusion, grassroots empowerment and national food resilience,” dagdag pa niya.