Gilas

Speaker Romualdez: Gilas Pilipinas inspirasyon ng bawat Pilipino

Mar Rodriguez Jul 7, 2024
131 Views

NAGPAHAYAG ng paghanga si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa koponan ng Gilas Pilipinas, na sa kabila ng kanilang pagkabigo na makapasok sa Olympics matapos matalo sa World No. 12 Brazil, ay nagpamalas ng walang kapantay na determinasyon, kasanayan, at puso sa international stage ng basketball.

Sa mahigpit na labanan, kinapos ang Gilas Pilipinas na matalo ang Brazil sa score na 71-60, sa semifinal round ng FBA Olympic Qualifying Tournament.

“The journey of Gilas Pilipinas in this tournament has been nothing short of inspirational. Their victory against Latvia, a European team, was a historic moment for Philippine basketball and a testament to the team’s resilience and capability,” ani Speaker Romualdez.

“Although our bid for the Olympics ended, our players have proven their mettle by going toe-to-toe with world-class athletes and making every Filipino proud,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga dikit na laban sa mga koponang tulad ng Georgia at Brazil, kung saan muntik nang manalo ang Gilas Pilipinas, ay nagpapakita ng kakayahan at malaking potensyal ng mga atletang Pilipino.

“These games have shown that with perseverance, strategic play and unity, we can hold our own against higher-ranked opponents. This experience will undoubtedly serve as a foundation for future successes,” ayon kay Speaker Romualdez.

Pinuri din niya ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas, si Coach Tim Cone, at ang buong coaching staff para sa kanilang natatanging pamumuno at dedikasyon.

“Their guidance and strategies have been pivotal in the team’s performance, bringing out the best in our players and instilling a sense of pride and confidence. The discipline and hard work that went into each game are truly commendable,” ayon pa sa lider ng Kamara.

“To the players of Gilas Pilipinas, your courage, sportsmanship and passion have inspired countless Filipinos. You have shown heart and determination. Your journey has sparked a renewed sense of hope and pride in our nation, and for that, we are eternally grateful,” ayon pa sa mambabatas.

Dagdag pa niya, nagpakita ng masigasig na pagsisikap ang koponang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, na naging marka sa kabila ng mga hamon laban sa mga nangungunang koponan.

“Let us continue to support and celebrate our athletes, as they embody the spirit of Filipino resilience and excellence. The lessons learned and the experiences gained from this tournament will serve as stepping stones towards greater achievements in the future,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

“Once again, congratulations to Gilas Pilipinas. Your efforts have united the nation and have shown that we can compete with the best in the world. Mabuhay ang Gilas Pilipinas! Mabuhay ang Pilipinas!” ayon pa sa pinuno ng Kamara.