Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez hinimok ang publiko na huwag sayangin tax amnesty

119 Views

HINIMOK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang publiko na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinibigay ng estate tax amnesty na nais palawigin ng Kamara de Representantes ng dalawang taon.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na padaliin ang proseso ng paghahain ng amnesty application at payagan ang online filing para makinabang din dito ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Speaker Romualdez marami ang hindi nakapagbayad ng estate tax o buwis sa mga ari-arian na namana o iniwan ng mga pumanaw na kaya nagdesisyon ang Kamara na palawigin ang tax amnesty law ng hanggang Hunyo 14, 2025.

“They have barely recovered from the Covid-19 pandemic, and the amnesty deadline, which had been extended once, is just a month away. It’s on June 14. Thus, the need for another extension,” ani Speaker Romualdez.

Ang House Bill 7909 ay inaprubahan ng Kamara sa botong 259-0 at walang abstention.

Ayon sa House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda tinatayang 1 milyong pamilya ang makikinabang sa panukalang palawigin ang tax amnesty.

Bukod kay Speaker Romualdez, ang HB 7909 ay akda nina Majority Leader Jose Manuel “Mannix” M. Dalipe, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na bukod sa dagdag kita para sa gobyerno ay mahihikayat din ang mga napag-iwanan ng mga ari-arian lalo na ang mga lupa na gawin itong produktibo.

“It would unlock the potential for the development and economic utilization of those assets to the benefit not only of the heirs but of communities where those properties are located,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.