Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez, humanga sa dami ng mga Pilipinong handang ipaglaban ang bansa

Mar Rodriguez Mar 11, 2024
140 Views

HINANGAAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang dami ng mg Pilioino na handang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa banta ng mga dayuhan.

“We are deeply moved and inspired by the overwhelming willingness of adult Filipinos to fight for our country,” ani Speaker Romualdez, ang lider ng Kamara de Representantes na may mahigut 300 miyembro.

Ang pahayag ni Speaker Romualdez ay batay sa resulta ng survey ng OCTA Research Survey na mayorya ng mga Pilipino ay handang depensahan ang Pilipinas laban sa banta ng mga dayuhan.

“This unwavering commitment to safeguarding our sovereignty and protecting our people is a testament to the indomitable spirit that lies within every Filipino,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang Tugon ng Masa survey, na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, ay sumasalamin sa sentimyento ng mga Pilipinong nasa wastong edad, kung saan 77 porsiyento ang nagpahayag ng kahandaan na ipagtanggol ang bansa sakali mang salakayin ng mga dayuhang kaaway.

“These survey results demonstrate the deep-rooted love and loyalty that Filipinos have for our homeland. It is truly heartening to witness such a strong sense of national pride,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Ayon pa sa resulta ng survey, 84 porsyento na nagpahayag ng kahandaan sa pagtatanggol ng bansa ay mula Mindanao, kasunod ang balanse ng Luzon (79 porsiyento), National Capital Region (76 porsiyento) at Visayas s(62 porsiyento).

Binigyang pagkilala rin ni Speaker Romualdez ang magkakaibang tugon ng bawat rehiyon, na aniya’y ang pagkakaisa at pagkakaiba-iba ang nagpapalakas ng katatagan ng mga Pilipino.

“Regardless of our regional backgrounds, we all share a common desire to protect our nation’s integrity,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Lumalabas din sa survey na 80 porsyento ng mga Pilipinong nabibilang sa Class D ang nagpakita ng kahandaan na ipaglaban ang bansa mula sa banta ng mga dayuhan.

“The survey results affirm the unwavering dedication of our people, particularly those in Class D, who embody the strength and determination that define the Filipino spirit,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

“Their willingness to defend our country is a testament to their selflessness and love for our fellow citizens,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Ang Tugon ng Masa survey ay kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na layuning sukatin ang kagustuhan ng mga Pilipino na lumaban at ipagtanggol ang Pilipinas mula sa pananakop ng dayuhan.

Bilang serbisyo publiko, inilabas ng OCTA Research ang resulta ng pag-aaral upang ipakita ang mga hinaing at hangarin ng mga Pilipino.

Isinagawa ang suvey sa pamamagitan ng face-to-face interviews at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas.

Ito ay may ±3% margin of error at 95% confidence level.