Calendar
Speaker Romualdez, iba pang mataas na officials, nakakuha ng impresibong trust, approval ratings sa Boses ng Bayan survey
NAKAKUHA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust at approval ratings sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa survey na ginanap noong Marso 18-23, 2024, nabatid na nakakuha si Romualdez ng impresibong 75% na trust ratings habang 72% naman ang kanyang nakuhang top performance ratings.
Sa naturang independent at non-commissioned survey, nagpakita rin si Romualdez ng mahusay na suportang rehiyonal.
Nabatid na nakakuha si Romualdez ng pinakamataas na 80.1% na “trust” at 78.1% “approval” ratings sa Visayas.
Ang nakuha naman niyang suporta ay nag-iiba-iba sa iba’t ibang rehiyon, na nagpapahiwatig rin naman ng mataas na “trust” at “performance satisfaction”.
Lumitaw rin sa naturang survey na ang House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Romualdez, ay nakatanggap din ng mataas na papuri dahil sa 78% “trust” at 75% “job satisfaction” ratings.
Bukod kay Romualdez, nakakuha rin si Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng mataas na “trust” 79% at “approval” 76% ratings sa naturang survey habang nakamit rin naman Vice President Sara Duterte ang impresibong rating na 77% “trust” at 74% “approval”.
Nakakuha rin naman ng malawak na suporta si Senate President Migz Zubiri na may “trust ratings” na 73% at “job performance ratings” na 70%.
Ang survey ng “Boses ng Bayan” ng RPMD ay nakatuon sa isang magkakaiba at pambansang representatibong sample ng 10,000 may sapat na gulang mula sa mahigit 67.75 milyong rehistradong botante at gumamit ng mahigpit na metodolohiya upang matiyak ang isang margin ng error sa +/-1% at isang 95% na antas ng kumpiyansa.
Ang malalim na pagsusuring ito ay nagsisilbing isang mahalagang sukat ng kahusayan ng administrasyon at kasiyahan ng publiko, na minamarkahan ang isang mahalagang mapagkukunan para sa pag-unawa sa kasalukuyang klima ng politika.