BBM2 Dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Wattay International Airport para sa apat na araw na 44th and 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic.

Speaker Romualdez ibinahagi kahalagahan ng pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos

151 Views

BUO ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR).

Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas partikular ang isyu ng West Philippine Sea at ang pagtiyak na magpapatuloy ang pag-unlad nito.

Gaya ni Pangulong Marcos, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang mga summit upang mapag-usapan ang mga geopolitical issue at kooperasyong pangrehiyon. Si Speaker Romualdez ay kasama sa opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa Laos.

“The ASEAN Summits come at a crucial time for the Philippines, as we confront increasing tensions in the West Philippine Sea. President Marcos will articulate the country’s advocacy for the peaceful resolution of disputes, in line with international law. It is vital that we stand united with ASEAN in promoting an open and rules-based order,” ani Speaker Romualdez.

Sa ika-42 ASEAN Summite na ginanap sa Labuan Bajo, Indonesia noong Mayo 2023, nanawagan ang lider ng mga bansa sa rehiyon ng “self-restraint” sa paggawa ng mga aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo at iginiit ang kahalagahan na mapanatili ang South China Sea bilang “sea of peace.”

Muli ring iginiit ng ASEAN leaders ang pangangailangan na masolusyunan ang problema ng mapayapa at naayon sa prinsipyo ng international law kabilang ang 1982 UNCLOS.

Bukod sa mga isyung pangrehiyon, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang summit sa mga Pilipino upang matugunan ang kanilang pinansyal na pangangailangan.

Kumpiyansa rin si Speaker Romualdez na maisusulong ni Pangulong Marcos ang pagpapalalim ng ugnayan nito sa isang bansa na makatutulong sa pag-unlad at seguridad ng bansa.

“The well-being of the Filipino people depends on how we navigate these challenges. President Marcos’ leadership in these summits is essential in ensuring that the Philippines not only secures its national interests but also contributes to the broader goals of regional stability and inclusive growth,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon pa sa lider ng Kamara, ang tema ng ASEAN ngayong taon na “Enhancing Connectivity and Resilience” ay kahanay ng Agenda for Prosperity ng administrasyong Marcos na nakatuon sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa at pagpapaganda ng kabuhayan ng mga Pilipino.

“These summits offer an opportunity to engage with ASEAN’s external partners, paving the way for increased cooperation in key areas such as food and energy security, trade, investment, and supply chain resilience,” saad pa ni Romualdez.

“The focus on Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) is especially crucial, as these sectors are the backbone of our economy,” dagdag pa nito.

Iginiit rin ng lider ng kamara ang pangangailangan na ipagpatuloy ang kolaborasyon ng mga miyembro ng ASEAN at mga partner nito upang matugunan ang mga pandaigdigang hamon at pag-unlad ng rehiyon.