Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez iginiit kahalagahan na makolekta tamang buwis

149 Views

IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na makolekta ng gobyerno ang tamang buwis na gagamitin upang mapondohan ang mga mahahalagang proyekto at programa sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Kaya naman ipinasa ng Kamara ang House Bill 8144 upang labanan ang tax racketeering at mapatawan ng mabigat na parusa ang mga gumagawa nito.

“(The measure seeks) to deter schemes that defraud the government of billions of pesos in taxes that are the lifeblood of the nation and which could otherwise be used for the benefit of our people,” ani Speaker Romualdez.

“These schemes are cleverly used by syndicates and bogus businesses. They may not be covered by the definition of tax evasion, which the tax law penalizes,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“We have to plug loopholes in the law to arrest the hemorrhage of tax revenue that should accrue to government coffers, instead of going to the pockets of a few criminally-minded individuals,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sa ilalim ng panukala, ituturing na tax racketeering ang paggamit ng mga pekeng resibo o rekord upang mabawasan ang babayarang buwis sa gobyerno na ang halaga ay aabot sa P10 milyon.

Ang parusa ay itinakda ng panukala sa 17-20 taong pagkakakulong. Mapatunayan mang guilty o hindi, maaaring pa ring maghain ng kasong sibil ang gobyerno para makuha ang hindi nabayarang buwis.