Martin2

Speaker Romualdez iginiit kahalagahan ng MIF para mapababa presyo ng kuryente, petrolyo

192 Views

IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) upang matugunan ang mga problema ng bansa gaya ng mataas na presyo ng kuryente at produktong petrolyo.

“Filipinos cannot wait. We have to bring down the cost of electricity, the cost of power, the cost of oil,” sabi ni Romualdez na nakapanayam sa huling bahagi ng biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Zurich, Switzerland.

Bukod sa pagtatayo ng mga imprastraktura, sinabi ni Romualdez na makatutulong din ang MIF sa mga developmental projects at pagpapataas ng produksyon ng pagkain sa bansa.

Sa World Economic Forum (WEF) ay ipinakilala ni Marcos ang MIF na sinalubong ng positibong interes ng mga kalahok.

Sinabi ni Romualdez na gagawa ng hakbang ang Pangulo upang agad na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“President Marcos will not sit on his hands. He has no time to just waste time. I mean, he needs to lead the country and that’s why he was voted for by over 31 million people and now he leads over a hundred. So we all have to work double time. It’s not too late. In fact, huli na nga tayo,” dagdag pa ni Romualdez.

Naaprubahan na ng Kamara de Representantes ang panukalang MIF at hiniling nito sa mga senador na basahin ang panukala upang kanilang mapag-usapan at mas mapaganda pa.