Speaker Romualdez Nagbigay ng mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa welcome lunch at briefing para sa Philippine delegation to the World Economic Forum 2025 annual meeting sa Davos, Switzerland Lunes (Switzerland time).

Speaker Romualdez inilatag misyon ng PH delegation sa WEF 2025

22 Views

Inilatag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes (oras sa Switzerland) ang misyon ng delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) 2025: palakasin ang pandaigdigang pakikipag-ugnayan at kooperasyon para makakuha ng dagdag na pamumuhunan na magpapalago ng ekonomiya ng bansa na pakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino.

“Our participation in WEF 2025 is a testament to the Philippines’ commitment to fostering collaboration, securing investments, and driving inclusive and sustainable development,” saad ni Speaker Romualdez sa isinagawang welcome lunch para sa Philippine delegation sa Davos, Switzerland.

Sabi pa niya na ang tema ngayong taon ng WEF na “Collaboration for the Intelligent Age,” ay magsisilbing kritikal na plataporma para maibida ng Pilipinas ang katatagan, inobasyon at potensyal sa ekonomiya ng ating bansa.

“Amidst the continued downside risks of fragmentation and conflict, there are still deals to be done and partnerships to be forged and strengthened,” sabi ni Romualdez.

Bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sina Finance Secretary Ralph Recto at Trade Secretary Ma. Cristina Roque gayundin ang ilang kinatawan mula sa pribadong sektor.

Ang kolektibong misyon nila, ani Romualdez ay palaguin ang nasimulang momentum ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang siya ay lumahok sa WEF 2023 na nagsilbing marka ng pagbabalik ng Pilipinas sa global stage kasabay ng paglulunsad ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Inalala ni Speaker Romualdez kung paanong naging daang ang WEF 2023 para maipakilala ang MIF, na sinundan ng matagumpay na pagpapatibay nito noong 2023.

Sinamantala naman ng Philippine delegation WEF 2024 upang maipagbigay alam sa mga nasyon ang bagong sovereign wealth fund, sa pangunguna ni Speaker Romualdez at aktibong pakikibahagi ni Maharlika Investment Corporation CEO Joel Consing.

Lalo pa aniyang naipamalas ang paglago ng Pilipinas noong 2024 nang pangunahan ang kauna-unahang WEF Country Roundtable sa Maynila.

Dito, mismong si WEF President Borge Brende ay kinilala ang inaasahang pagiging trillion-dollar economy ng Pilipina sa susunod na dekada.

“Central to this objective is ensuring a sustained flow of investments in the country that will enhance the competitiveness, efficiency, and sustainability of the economy,” ani Romualdez

Tinukoy din ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng Pilipinas sa pagsusulong ng ugnayang pang rehiyon at katatagan at inihayag ang kahandaan Pilipinas para sa mas malaki at matapang na hakbang kasabay ng pag-upo bilang tagapangulo ng ASEAN sa 2026.

Matatandaan na noong WEF 2024, kasama niya ang iba pang lider ng ASEAN at si WTO Director-General Ngozi Okonjo-Iweala sa isang high-level panel kung saan tinalakay ang mga aral mula sa katatagan ng ekonomiya ng ASEAN at ang papel ng mga middle power sa pag-suporta sa geoeconomic cooperation.

“Our participation in WEF 2025 serves as a prelude to our ASEAN leadership, showcasing the Philippines’ capacity to drive innovation, foster digital transformation, and champion climate resilience in the region and beyond,” saad niya

Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pribadong sector, kinilala din ni Speaker Romualdez ang lumalaking pakikibahagi ng mga Filipino business leader sa WEF.

“Our private sector must continue to champion reform and openness, working hand in hand with the government to spur inclusive and sustainable development,” wika pa niya

Sa pagharap naman ng Pilipinas sa mas komplikadong global landscap, binigyang diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan ng pinaigting na pagtitiwala at kolaborasyon sa pagitan ng mga stakeholder.

“I look forward to strengthening our presence at WEF, building on our strong foundation, and forging partnerships that will drive economic growth and sustainability,” pagtatapos niya.

Ang pakikibahagi aniya ng Pilipinas sa WEF 2025 ay nagpapakita ng hangarin ng bansa na iakma ang ating domestic agenda sa mga pandaigdigang prayoridad, at pagtindig sa pagiging proactive at collaborative na katuwang ng iba pang bansa.