Calendar
Speaker Romualdez inilatag paghahanda para sa pagbisita ni PBBM sa US
INILATAG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga paghahanda para sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Amerika kung saan makikipagpulong ito kay Pangulong Joe Biden at iba pang opisyal ng Amerika.
Si Speaker Romualdez ay nauna ng pumunta sa Amerika para makipagpulong sa mga mambabatas doon para talakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa depensa at seguridad at mapatatag ang economic partnership ng Pilipinas at Estados Unidos.
“I think the conditions are right for the meeting between President Bongbong Marcos and President Joe Biden. We have high hopes for the exchange of ideas between the two leaders and its outcome,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nasa Amerika pa rin si Romualdez upang susugan ang naging pakikipagpulong nito sa kayang US counterpart na si Speaker Kevin McCarthy, at iba pang mambabatas doon.
Bukod kay McCarthy nakausap ni Speaker Romualdez at delegasyon nito sina US House Majority Leader Steve Scalise, and Representatives Young Kim, Mike Rogers, Darrell Issa, Ami Bera, at Chris Stewart.
Inilarawan ni Speaker Romualdez ang pakikipag-usap nito kay McCarthy at iba pang US lawmaker na “historic and fruitful.”
Ito ang unang pagpupulong ng mga Speaker ng dalawang bansa sa nakalipas na mga taon.
“Our meeting proved fruitful as the Philippine delegation managed to impress on Speaker McCarthy the need for the legislative representatives of the two countries to ramp up discussions on how to further boost US-Philippine relations,” sabi ni Speaker Romualdez.
“Relations between our two countries remain strong. Our security alliance under the 1951 Mutual Defense Treaty is ironclad. Our economic partnership is robust. And the friendship between our two peoples is solid,” dagdag pa nito.
Kasama sa delegasyon ni Speaker Romualdez sina House Majority Leader Mannix Dalipe, Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, ar House Sergeant-at-Arms PMGEN Napoleon Taas.
Nagkasundo umano ang kanyang delegasyon at mga nakausap nilang mambabatas ng US na palakasin ang komunikasyon, koordinasyon, at magpalitan ng mga best practices sa dalawang institusyon.
“We were thankful that Speaker McCarthy shared our ideals and agreed to continue similar discussions in the future,” saad ng Speaker.
Inimbita rin ni Romualdez ang kanyang counterpart na bumisita sa Pilipinas at dumalo sa Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF).
“Our message to the US legislators was clear. The US-Philippine ties are strong, and are reaching new heights and levels of understanding under the administrations of President Marcos and US President Joe Biden. Our defense and security arrangements are solid, and our bilateral strategic partnership is working,” sabi pa ni Speaker Romualdez
“However, we also pointed out the need to step up bilateral discussions on economic issues to make the benefits of this dynamic relationship more tangible tenfold for our people. We need to strengthen not only our defense cooperation, but also our economic partnership,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos hindi lamang para sa pagpapanatili ng kaayusan sa rehiyon kundi maging sa pagpapa-unlad ng buhay ng mga residente nito.
Ang mainit na pagtanggap umano ng mga mambabatas ng US sa kanila ay nagpatatag sa ugnayan ng Biden at Marcos administrations.
“We thank our US counterparts for our fruitful engagements with them and for their commitment to further strengthen Philippine-US partnership in defense, security, economic, and other areas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ang Pilipinas ay nakatatanggap umano ng malaking tulong mula sa US sa pamamagitan ng kasanayan at kagamitin sa pakikipagdigma na ipinagkakaloob nito.
Mula 2002 hanggang 2021, ang Pilipinas ay nakatanggap umano ng US$1.8 bilyon para sa defense modernization, maritime security, counter-terrorism, anti-narcotics, anti-human trafficking, humanitarian assistance at disaster response, at chemical, biological, radiological, at nuclear preparedness.
Malaki rin umano ang itinulong ng US sa Pilipinas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“With our strong economy, we invited the US to increase and expand its investments. Just recently I was with the economic team of President Marcos to help generate more investments during the 2023 World Bank Group-International Monetary Fund (WBG-IMF) Spring Meetings,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Bukod sa pakikipagpulong sa mga mambabatas sa US, nakipag-usap din si Romualdez at kanyang delegado sa mga negosyante at investor na nakabase sa Washington DC at hinikayat ang mga ito na mamuhunan sa bansa.