Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Integridad, pananagutan pamana ni Bonifacio na gabay ng bansa

75 Views

SA pagdiriwang ng bansa ng Bonifacio Day ng Sabado, ipinaalala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino ang kahalagahan ng integridad, pagkakaisa at pagkakaroon ng pananagutan sa pagbuo ng isang matibay at matatag na Pilipinas.

“Today, as we honor the courage and sacrifices of Gat Andres Bonifacio, the Father of the Philippine Revolution, we are reminded of the vital role of integrity, unity, and accountability in nation-building,” sabi ni Speaker Romualdez sa kanyang Bonifacio Day message.

Kinilala ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan ang katapangan ni Bonifacio na nilabanan ang pang-aapi at isinulong ang pagkakaroon ng kalayaan, hustisya at kapakanan ng mga Pilipino.

“Bonifacio stood against tyranny and division, championing the ideals of freedom, justice, and the welfare of the Filipino people above all else,” ani Speaker Romualdez.

Nagbalik-tanaw din ang lider ng Kamara sa kahalagahan ng mga prinsipyo ni Bonifacio, partikular ang uri ng kanyang pamumuno na naka-ugat sa katotohanan at responsibilidad sa pagharap sa mga hamon.

“In these challenging times, when the principles of democracy and good governance are put to the test, let us draw inspiration from Bonifacio’s bravery and steadfast commitment to the truth,” saad pa ni Speaker Romualdez.

“His life reminds us that genuine leadership demands not just strength, but also respect for others and a deep sense of responsibility to uphold the greater good,” dagdag pa nito.

Hinamon ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na huwag matinag sa pagharap sa mga hamon at sama-samang maniwala sa kakayanan ng bansa na sumulong at umunlad.

“The path toward progress is never without challenges, but like Bonifacio, we must face them with unwavering resolve and a firm belief in the collective power of the Filipino people,” punto pa nito.

Nanawagan din ang lider ng Kamara sa mga Pilipino na itakwil ang takot at hindi pagkakasundo at yakapin ang diwa ng Bayanihan sa pagbuo ng bansa na naka-ugat sa kapayapaan, katarungan at kaunlaran.

“Let us reject fear, division, and discord, and instead work together in the spirit of ‘Bayanihan’ to build a nation grounded on peace, justice, and prosperity for all,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Tinapos ng lider ng Kamara ang kanyang mensahe sa paghimok sa mga Pilipino na kilalanin ang mga sakripisyo ni Bonifacio sa pamamagitan ng pagbabantay sa demokrasya at pagpapanatili ng kalayaan na kanyang ipinaglaban.

“As we commemorate Bonifacio’s legacy, may his patriotism inspire us to remain vigilant, principled, and united as we navigate these turbulent times,” sabi pa ni Speaker Romualdez. “Together, let us honor his memory by safeguarding the democracy and freedom he fought so valiantly to achieve.”

Ang Bonifacio Day ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30, bilang pagkilala sa kanyang tapang at pananaw na nagpasiklab ng rebolusyon na nagbigay ng kalayaan at hustisya sa bansa.