Calendar
Speaker Romualdez: Kamara mananatiling masipag, matapat, walang kapagurang gagampanan tungkulin
IPINAGMALAKI ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga naging tagumpay ng Kamara de Representantes sa pagsasara ng sesyon ng Kongreso para sa taong ito.
Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Speaker Romualdez ang “maingat at masusing pagbalangkas ng mga napapanahong panukalang batas, kundi pati na rin sa masigasig na paghahanap ng katotohanan sa mga isyung may direktang epekto sa kabuhayan at kaligtasan ng ating mga kababayan.”
Nangako rin si Speaker Romualdez na ang Kamara ay “mananatiling masipag, matapat, at walang kapagurang gagampanan ang aming tungkulin.”
“Patuloy kaming magiging katuwang ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr., at maglilingkod ng buong puso para sa kapakanan ng bawat Pilipino sa mga darating pang taon. Mabuhay ang House of Representatives! Mabuhay ang Pilipinas!,” dagdag pa ni Speaker Romualez.
Ipinagtanggol din ni Speaker Romualdez ang paglalaan ng Senado at Kamara de Representantes ng pondo para mabigyan ng ayuda sa susunod na taon ang mga mahihirap at mga pamilya na kapos ang kinikita.
Sinabi ng lider ng Kamara na maraming pamilyang Pilipino ang nangangailangan ng tulong bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pandaigdigang hindi pagkakasundo, at mga nagdaang kalamidad kaya iginiit ng Kamara ang pangangailangan na magkaroon ng pondo para sa ayuda.
“Let me share the story of a single mother from Samar who, during the height of rising prices, relied on financial assistance to keep her children fed and in school. She represents millions of Filipinos whose lives have been touched by our legislative efforts,” ani Speaker Romualdez.
“To those who doubted the importance of social safety nets, let this be a reminder: ayuda is not charity; it is justice. It is our duty to ensure that no Filipino falls through the cracks, especially in times of crisis,” dagdag pa nito.
Iginiit din ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi lamang paggawa ng batas ang kanilang trabaho kundi maging ang pagtiyak na ang mga batas na ginawa ay makapagbibigay ng pag-asa at dignidad sa bawat pamilyang Pilipino.
“Sa mga kontra sa ayuda, handang ipakita ng administrasyong ito kung saan napunta ang bawat sentimong inilaan para rito. Ang may hawak ng pondo, ang mga departmento tulad ng DSWD, DOLE at DOH. Sila ang nagpapatakbo ng programa, hindi ang Kongreso,” wika pa ni Speaker Romualdez.
“Lahat ng programang ito a may totoong benepisyaryo. May totoong resibo. Walang notice of disallowance mula sa Commission on Audit.
Ang trabaho ng Kongreso: tiyakin ang pondo rito at masiguro na nakakarating nang maayos sa mga benepisyaryo,” saad pa nito.
Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang badyet, na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago matapos ang 2024 ay tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
“This is not just a budget; it is a blueprint for hope. It ensures funding for vital programs that bolster economic recovery, create jobs, and provide much-needed relief for struggling families,” sabi pa nito.
“It is the cornerstone upon which the government operates and the key to supporting President Ferdinand R. Marcos Jr. In his ‘Bagong Pilipinas’ program,” ani Speaker Romualdez.
Sa pamamagitan ng 2025 national badyet, sinabi ni Speaker Romualdez na matutulungan ang mga nangangailangan ng tulong na papasa sa mga kuwalipikasyong itinakda ng programa.
“Alam ng bawat pamilyang pilipino: mahirap pag-kasyahin ang budget para sa araw-araw na kailangan. Bawat miyembro ng pamilya, may reklamo sa budget na nakalaan sa kanya. Pero sa kabuuan, ang desisyon ng pamilya ay para sa isang budget na makakabuti para sa lahat,” sabi pa nito.
“While not everyone may be satisfied with the 2025 national budget, it is a budget that mirrors the true needs of our people – not just for daily survival, but for building a stronger foundation for a brighter and better future.”
“Ang budget na ibinigay natin sa mga departments at agencies, yun lang kaya nilang gastusin sa loob ng isang taon. Walang labis, walang kulang,” giit pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang agenda ng Mababang Kapulungan ngayong taon ay pagpapa-unlad ng ekonomiya.
“By passing measures that promote job creation, support small and medium enterprises, and attract foreign investments, we have laid the foundation for a more robust and inclusive economy.”
“But we also recognize that the work is far from over. Inflation continues to affect the daily lives of our constituents. Families still struggle to put food on the table, and young filipinos dream of a future free from poverty,” sabi pa nito.
“Alam natin ang problema sa araw-araw ng ating mga kababayan. Kausap natin sila sa mga panahong nasa distrito tayo. Kaya naman hindi tayo tumitigil na humanap ng solusyon sa mga problemang ito,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.