Martin2

Speaker Romualdez: Kamara nagtatrabaho ng mabilis para sa interes ng bansa

164 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sumalang sa debate ang mga panukalang batas na inaprubahan nito.

Kung nagiging mabilis man umano ang pagpasa ng mga panukala, ito ay dahil isinasaalang-alang ng Kamara de Representantes ang interes ng bansa.

“Let me make it clear, though. All legislative measures approved in the House of Representatives were deliberated extensively and exhaustively — from the committee level to plenary sessions. All voices were heard before we take a vote. Lahat ng ito, dumaan sa tamang proseso at masusing pag-aaral,” ani Speaker Romualdez.

“Kung nagta-trabaho man kami ng mabilis, ito ay dahil interes ng mamamayan ang nakataya. Hindi pulitika, kundi ekonomiya ng bansa. Hindi eleksyon, kundi misyon na iahon ang mga kababayan natin sa kahirapan. Kailan pa naging kasalanan ang mag-trabaho nang mabilis para sa bayan?” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ayon kay Romualdez mabilis na natapos ang Kamara ang dalawang panukala kaugnay ng pag-amyenda ng Konstitusyon gaya ng ginawa nitong pagpasa sa mga panukala na napagkasunduan sa Legislative-Executive Development Advisory (LEDAC) na bigyan ng prayoridad.

Bagamat nakatulong umano ang mga pagsasabatas ng Public Services Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act, ang pag-amyenda umano sa Konstitusyon ang “last piece of the puzzle” upang tuluyang mabuksan ang bansa sa pagpasok ng mga foreign investment na magiging mahalaga sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

Ang limitasyon umanong nakalagay sa Konstitusyon ay hindi basta maaalis ng mga batas na naipasa ng Kongreso.

Matapos ang pagpasa ng panukala para sa pag-amyenda sa Konstitusyon, sinabi ni Romualdez na hindi titigil ang Kamara sa pagpasa ng mga panukala na makatutulong upang bumuti ang buhay ng mga Pilipino.

“I have directed the House leadership to go full-blast in expediting the approval of other pending measures aimed at creating the environment that will boost economic activities and job creation,” sabi pa ni Romualdez.

Naipasa na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na tinukoy ng LEDAC na bibigyan nito ng prayoridad.

“Inuulit ko po, wala kaming planong mag-slow down o mag-relax sa trabaho. Sa halip, dodoblehin namin ang sipag sa trabaho. Pangako namin ito sa taumbayan na naghahal sa amin sa Kongreso,” dagdag pa ni Romualdez.