Martin1

Speaker Romualdez: Kamara, Palasyo magpapadala ng 100 buses para tulungan Metro Manila commuters 

Mar Rodriguez Mar 7, 2023
180 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na nagtulong ang Kamara de Representantes at Malacanang upang makapag-provide ng 100 buses para tulungan ang libo-libong Metro Manila commuters na inaasahang maapektuhan ng isang linggong “jeepney strike”.

Hindi talaga nagpatinag ang mga “transport groups” matapos nilang ikasa o ilunsad ang isang linggong transport strike sa kabila ng panawagan nina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Department of Transportation (DOTr) na huwag nilang ituloy ang kanilang kilos protesta.

“Through the joint effort of the House of Representatives and Malacanang. We have fielded 100 buses to augment the number of vehicles provided by local government agencies that would provide free rides to affected commuters,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez na ang libo-libong commuters o mananakay ang lubhang maaapektuhan ng ikinasang transport strike. Bunsod ng kanilang kalunos-lunos na kalagayan. Kung kaya’t nagtulong ang Kongreso at Malakanyang para tulungan ang publiko sa ganitong sitwasyon.

“It’s our commuters who would suffer the most from this transport strike. Cognizant of their difficult situation. Have taken this joint initiative with Malacanang to ensure stranded commuters will have available rides to their work or home,” dagdag pa ng House Speaker.

Sinabi din ni Romualdez na ang mga nasabing buses ay naka-assign sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Kung saan, sila ang magde-desisyon kung saan ide-deploy ang 100 buses.