Martin

Speaker Romualdez: Kamara tutugon sa hamon ni PBBM na tumulong sa pagpapatibay ng PH-US relations

135 Views

TUTUGON ang Kamara de Representantes sa hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumulong upang lalong tumibay ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kasama ni Marcos na nakipagpulong sa mga opisyal ng Amerika.

“We, at the House of Representatives, welcome the suggestion of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. that efforts to boost the long-standing bond of friendship between the Philippines and the United States should also involve the respective Legislative branches of the two countries,” ani Speaker Romualdez.

“We are ready to take up that challenge and we look forward to more engagements with our counterparts in the United States in the future,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Noong Miyerkoles ay nakipagpulong si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon sa mga senador ng Amerika at tinalakay ang iba’t ibang isyu gaya ng seguridad, depensa, agrikultura, climate change mitigation, pagtutulungang pang-ekonomiya at cyber security.

Sa naturang pulong ay pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Sen. Robert Menendez, chairman ng Senate Foreign Relations Committee at mga kasama nito sa mainit na pagtanggap sa kanila sa Capitol Hill.

Sinabi rin ng Pangulo na ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika ay hindi dapat limitado sa executive kundi maging sa lehislatura.

Bukod kay Speaker Romualdez, kasama ng Pangulo sa pagpupulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel G. Romualdez, Finance Secretary Benjamin Diokno, Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Kasama naman ni Senator Menendez sina Senator James Risch, SFRC Ranking Member, at mga opisyal ng Senate Committee on Foreign Relations.

“While the conduct of foreign relations is largely the domain of the Executive, engagements between the lawmakers of both countries would be of immense value in, for instance, harmonizing the legal framework governing their bilateral relations,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa pagsali umano ng lehislatura ng dalawang bansa sa pakikipag-ugnayan, sinabi ni Speaker Romualdez na matatalakay ng mas malalim ang mga isyu.

“We have actually taken the initiative to move toward the direction suggested by President Marcos,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Matatandaan na noong Abril ay pumunta si Speaker Romualdez sa Amerika kasama ang ilang mambabatas upang makipag-usap sa mga mambabatas ng Estados Unidos at maihanda ang pagdating doon ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Speaker Romualdez sa pagbisita sina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, at House Sergeant-at-Arms PMGEN. Napoleon Taas.