Martin2

Speaker Romualdez: Kamara tututukan mga  panukala para mapabuti kalagayan ng mga Pilipino

Mar Rodriguez May 21, 2023
118 Views

SA halip na usubin ang oras sa pamumulitika, tututukan umano ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng mga panukala na makatutulong upang bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“The House cannot be distracted from finding legislative solutions to issues that affect the lives of ordinary Filipinos. Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House of Representatives, remain focused on more urgent matters,” ani Speaker Romualdez sa isang pahayag.

Ayon kay Romualdez ipagpapatuloy ng Kamara ang ginawa nito sa nakaraan kaya agad nitong naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang 29 sa 42 panukala na bahagi ng legislative agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The House of the People is in order. This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos, Jr.,” sabi ni Romualdez.

Kasama sa mga panukalang ito ang pagbura sa utang ng mga agrarian reform beneficiary, paglikha ng special center gaya ng Lung at Heart Center sa ibang rehiyon, at mga Magna Carta bills na magbibigay ng proteksyon sa mga Barangay Health Worker at Seafarer.

“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Paglalaanan umano ng Kamara ang paghahanap ng solusyon sa mga isyu sa sektor ng kuryente, telekomunikasyon at presyo ng pangunahing bilihin.

“Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating unahin, ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon. Kung mas mapagtutuunan natin nang mas maraming oras ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino, sama-sama tayong babangon muli,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.