Martin2

Speaker Romualdez kinilala kabayanihan ng mga magsasaka, manggagawa, ina

Mar Rodriguez Aug 28, 2023
169 Views

NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

“Today, we remember the bravery, courage and patriotism of our heroes who fought for our independence, liberty, democracy, sovereignty, our country, our people. To them, we owe our freedom,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.

“We pay tribute to our national leaders, our soldiers, our policemen, our teachers, our government personnel, our local officials, and our barangay officers, for their heroism in safeguarding our nation, keeping the peace and delivering vital public services,” sabi pa ni Speaker Romualdez na sinamahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, sinabi ni Speaker Romualdez na kinikilala rin ng bansa ang mga sakripisyo ng mga obrero, kasama na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na kinikilala bilang mga bagong bayani dahil sa kanilang pagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya at pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Kasabay ng pagkilala sa mga manggagawa, sinaluduhan din ni Speaker Romualdez ang mga employer, ang mga negosyante maliit man o malaki na siyang nagpapagulong ng ekonomiya ng bansa.

“We acknowledge as well the arduous daily toil of our farmers and fisherfolk in support of their loved ones and country’s food requirements. They, too, are our heroes,” sabi pa ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

“We salute every Filipino who does his share in building our nation. Most of all, we honor our women who tend to our families and households. They are our greatest heroes,” dagdag pa nito.