Calendar
Speaker Romualdez kinilala mga centenarian
KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga centenarian at ang kanilang naging kontribusyon sa lipunan.
At kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang House Bill 7535 na nagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga matatandang Pilipino.
“With this legislation, the House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” ani Speaker Romualdez.
Naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magdaragdag ng mga benepisyo sa ilalim ng Centenarian Law kung saan ang mga umaabot sa edad na 100 ay binibigyan ng P100,000.
Sa ilalim ng panukala, ang mga Pilipino na aabot sa edad na 101 ay bibigyan ng P1 milyong cash gift ng gobyerno.
Ang mga magdiriwang naman ng kanilang ika-80, 85, 90, at 95 na kaarawan ay bibigyan ng tig-P25,000.
“Of course, we also want our octogenarians and nonagenarians to enjoy this benefit while they still can without having to wait until 101 years old so we also provided a cash gift for them,” sabi ni Speaker Romualdez.
Inaasahan ng panukala ang National Commission of Senior Citizens na magpatupad ng panukala kapag ito ay naging isang batas.