Martin

Speaker Romualdez kinilala sa magandang performance ng Kamara

96 Views

Kinilala ng mga lider ng Kamara de Representantes ang magandang uri ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaya maganda ang performance ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress.

Ayon kay Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez na ang Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, ay nagpakita ng pambihirang pagganap sa tungkulin nito at ng hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

“Under Speaker Romualdez’s guidance, the House has exemplified dedication and competence in fulfilling its legislative duties. His leadership has been instrumental in steering the chamber towards achieving legislative excellence,” ani Suarez.

Sinabi ni Suarez na ang magandang pamumuno ni Speaker Romualdez ay naging inspirasyon upang magkaisa at magsama-sama ang mga miyembro ng Kamara na nagresulta sa magandang performance nito na pakikinabangan ng mga Pilipino.

“We stand proud of our collective accomplishments,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na ang magandang pananaw at pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagtulak upang matugunan ng Kamara ang mga hamon na kinakaharap ng bansa nang mabilis at may determinasyon.

“Speaker Romualdez’s commitment to serving the Filipino people has been unwavering,” ani Gonzales.

Ayon naman kay House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Jose “Mannix” M. Dalipe na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naging maagap at tumutugon ang Kamara sa mga problema ng bansa.

“We commend the Speaker’s tireless efforts in leading us towards a brighter future for all Filipinos,” ani Dalipe.

Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, matagumpay na naipasa ng Kamara ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapabuti ang kalagayan ng bansa.

Natapos ng Kamara ng mas maaga ang mga panukala na nabanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at ang mga natukoy sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na agad na ipapasa.

Kasama sa mga naipasa ng Kamara ang panukalang Tatak Pinoy Act, Centenarians Act, New Philippine Passport Act, ‘No Permit, No Exam Prohibition Act, at ang Philippine Salt Industry Development Act.

Bukod dito ay ginamit din ng Kamara ang oversight function nito sa pagbabantay sa mga ahensya ng gobyerno at upang matiyak na mabibigyan ng prayoridad ang pangangailangan ng publiko.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Kamara upang mas mapakinabangan ng mga senior citizen at persons with disabilities ang batas na nagbibigay ng diskwento sa kanila sa pagbili ng mga piling produkto. Ang imbestigasyon ay nagresulta sa pagtataas sa diskwento mula P65 kada linggo sa P125 kada linggo o P250 kada buwan.

Mayroon ding mga hakbang na ginawa upang mapaganda ang healthcare benefits sa ilalim ng Universal Health Care Law at ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center.

Para agad na mpa-angat ang ekonomiya, inaprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 upang maamyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Layunin ng RBH No. 7 na makatugon ang Pilipinas sa mga pagbabago sa ekonomiya ng mundo nang nabibigyang proteksyon ang interes ng bansa.

Bagamat naka-recess ang sesyon ng Kongreso, pinayagan ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng pagdinig.

Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang pangako ng Kamara na patuloy na pagsisilbihan ang mga Pilipino kahit nakabakasyon.

“The House remains steadfast in its commitment to serve the Filipino people. Allowing committee hearings during the break demonstrates our dedication to fulfilling our duties as legislators and addressing the needs of our constituents,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa Abril 29 muling magbabalik ang sesyon ng Kongreso.