Martin1

Speaker Romualdez kumpiyansa: PBBM, Kamara mapapababa inflation rate, presyo ng bigas, kuryente

72 Views

KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romuladez na mapapabagal pa ng administrasyong Marcos, katuwang ang Kamara de Representantes, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation rate.

Ito ang reaksyon ng pinuno ng Kamara kaugnay ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal sa 3.7 porsyento ang inflation rate noong Hunyo mula sa 3.9 porsyento noong Mayo.

Ang pagbagal ng inflation rate ay dulot ng mababang gastos sa enerhiya at transportasyon.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mahusay na pamamahala sa ekonomiya ng bansa.

“This means that inflation, which measures the rate of increase in the prices of goods and services, has been effectively controlled by the administration’s strategic economic policies,” ayon kay Speaker Romualdez.

Aniya, naitala ang pagbaba sa kabila ng patuloy na pandaigdigang hamon, kabilang ang pagkaantala sa supply chain at kawalang-katatagan sa pananalapi ng mga bansang may malalaking ekonomiya.

“We will work to further reduce electricity rates and rice prices. Accomplishing that will surely lead to a further moderation of inflation,” ayon kay Speaker Romualdez.

“Titingnan natin ang posibleng amendments sa EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) para maibaba natin ‘yung presyo ng kuryente, para abot kaya ng lahat ‘yung sa tamang presyo,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Speaker Romualdez, susubukan ng Mababang Kapulungan na tapusin ang mga amyenda sa EPIRA bago ang Christmas recess ng Kongreso.

“So medyo kumplikado ‘yan kasi malaki itong batas at we will handle it by sections pero kayang kaya natin tapusin ‘yan before siguro the Christmas break,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang singil sa kuryente sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas na presyo sa rehiyon ng ASEAN.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pag-amyenda sa EPIRA ay isasagawa kasunod ng pagsisiyasat sa kalagayan ng enerhiya sa bansa.

“We want to know what is the problem with the law, why the law that was supposed to streamline the energy sector has unfortunately brought up electricity rates. We will call all stakeholders — power producers and distributors, the transmission company, and most importantly the consumers represented by consumer groups,” ayon sa mambabatas.

Ikinatuwa naman ng pinuno ng Kamara ang pagbagal ng inflation rate sa bigas, na ayon sa ulat ng PSA ay bumaba sa 22.5 porsyento noong Hunyo mula sa 23 porsyento sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni Speaker Romualdez na target ng administrasyon na maibaba pa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng direktang pagbebenta sa mga mamimili sa pamamagitan ng Kadiwa stores at subsidiya.

“P42 to 45 per kilo is achievable,” ani Speaker Romualdez.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Kamara sa magsasaka sa pamamagitan ng farm inputs, imprastraktura at iba pang tulong upang mahikayat silang madagdagan ang kanilang ani.

“An increase in the harvest of our farmers will lead to lower prices,” giit pa ng kongresista.

Bilang pinuno ng Mababang Kapulungan, mahalaga ang naging papel ni Speaker Romualdez sa paggabay sa legislative support para sa economic agenda ng administrasyon.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipasa ng Mababang Kapulungan ang mahahalagang batas para maging matatag at lumago ang ekonomiya, upang matiyak na mayroong magagamit ang pamahalaan para matugunan ang mga isyu na magdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang pandaigdigang kalagayan sa ekonomiya at samu’t saring hamon, kabilang na ang kaguluhan sa pagitan ng mga bansa, pagkaantala sa supply chain na nagdulot ng kakulangan ng suplay ng mga kalakal, at kawalang-katatagan ng pananalapi sa mga pangunahing ekonomiya.

“These factors have collectively contributed to rising inflation rates worldwide. However, through proactive measures, the Philippine government has successfully navigated these challenges,” paliwanag pa ng mambabatas.

Binanggit ng pinuno ng Kamara na pinalalakas ng administrasyon ang lokal na produksyon sa pamamagitan ng suporta sa sektor ng agrikultura at manufacturing, pagbawas sa importasyon, at pagpapanatili ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Targeted financial interventions, such as subsidies for essential commodities and financial support for key industries, have helped cushion the economy against external shocks. Efficient supply chain management, through enhanced logistics and streamlined operations, has ensured the steady flow of goods, preventing shortages and price spikes,” ayon kay Speaker Romualdez.

Dagdag pa ng mambabatas, “Moreover, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has implemented prudent monetary policies, keeping inflation expectations anchored and maintaining currency stability.”

Sinabi ni Speaker Romualdez na malalim ang epekto ng mga hakbang na ito sa karaniwang mga Pilipino dahil ang pagbagal ng inflation rate ay nagreresulta sa mas mababang gastusin sa pangaraw-araw, na nagbibigay sa bawat pamilya ng kakayanan na mabili ang kanilang mga pangangailangan.

Aniya, ang katatagan ng mga presyo ay magbibigay ng mas maaasahang economic environment, na hihikayat sa mga lokal at dayuhan na mamuhunan sa bansa na makalilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

“By keeping inflation under control, we have safeguarded the purchasing power of every Filipino. This achievement is not just a testament to the administration’s competence but also a promise of continued prosperity and stability for our nation,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binigyang-diin ng pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at pag-aakma ng mga paraan upang mapanatili ang positibong takbo ng ekonomiya tungo sa pag-unlad ng bansa.

“We must remain proactive and resilient, ensuring our economic policies evolve with the changing global dynamics. The road ahead may present new challenges, but with the same dedication and strategic approach, we will continue to thrive,” ayon sa mambabatas.