Martin4 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez kumpiyansa: PH makakakuha ng mas maraming dayuhang pamumuhunan mula WEF 2025

27 Views

BUO ang tiwala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na papasok ang mas maraming dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas, na lilikha ng mas maraming trabaho at magpapasigla sa paglago ng ekonomiya ng bansa, matapos ang matagumpay na pakikilahok ng delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) Annual Meeting 2025.

“The discussions we held in Davos reaffirm the immense potential of the Philippines as a key destination for global investments,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng higit sa 300-kinatawan ng Kamara de Representantes.

“We are grateful to President Ferdinand Marcos Jr. for sending a delegation that has showcased the many reasons why global investors should choose the Philippines. The reception has been overwhelmingly positive, and I am confident that this will translate to more investments that will fuel our economic growth,” dagdag pa nito.

Si Romualdez ay kabilang sa mga naging panelist sa talakayan, kung saan kanyang ibinahagi ang isang di-inaasahang pagtatagpo sa prominenteng industrialist mula sa India noong WEF 2024, na nauwi sa produktibong pakikipagtulungan para sa isang lokal na negosyo.

“I invited him to the Philippines, and he liked what he saw. And in fact, had it not been for the WEF, he would never have realized that the Philippines was open and welcoming to business from India,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Pinasalamatan din ng pinuno ng Kamara ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas, kabilang na si Finance Secretary Ralph Recto, Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, at mga nangungunang business leaders mula sa iba’t ibang sektor, sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa pagsusulong ng mga oportunidad pang-ekonomiya ng bansa.

“I thank my fellow delegates for their tireless efforts and invaluable contributions in generating global interest in the Philippines,” saad pa ni Speaker Romualdez.

“From highlighting our young and dynamic workforce to presenting our pro-business policies such as the CREATE MORE Law and the Maharlika Investment Fund, we have successfully demonstrated that the Philippines is a viable and vibrant investment destination.”

Pangunahing pagpupulong

Bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas, naging bahagi si Speaker Romualdez ng mga high-level discussion at nakipag-ugnayan sa mga prominenteng lider ng kompanya at mga opisyal mula sa iba’t ibang bansa.

Isa sa naging tampok sa pagpupulong ang pagiging bahagi ni Speaker Romualdez bilang panelist sa Stakeholder Dialogue na may temang “Navigating Asia’s Hotspots,” kung saan binanggit niya ang balanseng pamamahala ng Pilipinas sa geopolitical issues at sa pagpapanatili ng katatagang pang-ekonomiya.

“We presented a clear narrative of the Philippines as a reliable partner in the Indo-Pacific region, not only geopolitically but also economically. Our focus is on fostering peace, stability, and cooperation, which are vital for sustained growth,” pahayag pa ng mambabatas.

Kasama ang delegasyon ng Pilipinas, nag-organisa si Speaker Romualdez ng Philippine Breakfast Interaction sa WEF, kung saan nagsama-sama ang halos 50 international public and private sector leaders sa isang briefing tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas at ang malaking potensyal nito bilang susunod na pangunahing destinasyon ng pamumuhunan.

Kabilang sa mga kilalang dumalo sina Marcus Wallenberg, Chairman ng Skandinaviska Enskilda Banken; Philippe Amon, Chairman at CEO ng SICPA SA; Catarina Amon, CEO at Founder ng Classeek; Anthony Tan, CEO at Co-Founder ng Grab; John Riady, Group CEO ng Lippo Indonesia; Tony Fernandes, CEO ng AirAsia; at Calvin Choi, CEO ng AMTD.

Naroroon din sina Jay Collins, Vice Chairman ng Citi; Helena Lersch, Vice President ng Public Policy ng Tiktok; Amit Kalyani, Vice-Chairman at Joint Managing Director ng Kalyani Strategic Systems Limited; at Albert Chang, Managing Partner ng Southeast Asia, McKinsey & Co., at iba pa.

Sa talakayan, ibinida ng delegasyon ng Pilipinas ang matatag na ekonomiya ng bansa na pinapalakas ng e-commerce, na nagtatampok sa Pilipinas bilang fastest-growing digital economy sa ASEAN sa 2024.

“Our interactions with these business leaders further underscored the attractiveness of the Philippines for trade and investment. They recognized the strategic advantages of our country, including its location, young workforce, and robust economy,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Investment-friendly reforms

Ipinunto rin ng delegasyon ng Pilipinas sa WEF 2025 ang legislative reforms sa ilalim ng administrasyong Marcos bilang konkretong patunay ng kahandaan ng Pilipinas na tugunan ang mga alalahanin ng mga investor upang mapabuti ang kalagayan ng negosyo sa bansa.

Ilan sa mga nabanggit ang CREATE MORE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) law, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na ang layunin ng CREATE MORE law ay mapabilis ang pagpasok ng pamumuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas pinahusay na mga insentibo sa buwis, pagpapadali ng proseso ng pag-apruba ng mga pamumuhunan, pagpapasimple ng mga patakaran sa VAT, at pagbibigay ng mga targeted incentives para sa mga strategic investments.

“These reforms, alongside the recently enacted Maharlika Investment Fund, signal our government’s commitment to fostering a business-friendly environment and providing investors with the confidence to choose the Philippines,” paliwanag pa ni Speaker Romualdez.

Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na gamitin ang momentum na nakuha mula sa pakikilahok ng bansa sa WEF, sa ikatlong magkasunod na taon.

“Our participation in the World Economic Forum has once again placed the Philippines on the radar of global investors. We are ready to turn these opportunities into concrete investments that will uplift our people and accelerate our progress,” giit pa nito.