Calendar
Speaker Romualdez kumpiyansa sa kakayanan ni PBBM
KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kakayanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapag-imbita ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa at maipakilala ang sovereign investment fund sa mga kalahok sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
“I’m confident he would do the same in the WEF, particularly in introducing the Maharlika Wealth Fund to the global stage and in helping our local business leaders explore investment opportunities for the Philippines,” sabi ni Speaker Romualdez.
Naipakita na umano ni Marcos ang kanyang kakayanan na mag-imbita ng mga mamumuhunan sa mga nagdaang pagbisita nito sa ibang bansa.
“In his previous participation in various global fora, President Marcos has displayed an excellent ability to articulate the interests of the Philippines as well as the significant gains achieved under his administration and the country’s direction for future growth,” ani Speaker Romualdez na kasama sa opisyal na delegasyon ni Marcos.
Matatandaan na si Speaker Romualdez ay naging daan sa naunang pag-uusap nina Marcos at WEF founder Dr. Klauss Schwab sa sideline ng Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) Summits ma ginanap sa Cambodia.
Sa WEF ay maghaharap ang mga lider at negosyante mula sa may 50 bansa.
Bago tumulak pa-Davos, sinabi ni Pangulong Marcos na magandang oportunidad ang WEF upang maipakita ang narating ng bansa, makapag-enganyo ng mga mamumuhunan, at maipakilala ang Maharlika Investment Fund.
“We’ll talk about the Philippines, what the situation is as an investment destination. Now, added to that, meron na tayong pwedeng pag-usapan, itong sovereign wealth fund,” sabi ng Pangulo.
Ang panukalang MIF ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre 16.
Sinabi ni Romualdez na natugunan na ang maraming isyu na ibinato sa MIF at mayroon itong sapat napanuntunan upang matiyak na hindi magagamit sa katiwalian at pang-aabuso. Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO