Martin2

Speaker Romualdez kumpiyansa sa pag-angat ng ekonomiya matapos ang Biden-Marcos meeting

156 Views

A PICTURE of a brighter future for US-Philippines relations.”

Ganito inilarawan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang makasaysayang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden sa White House.

Nagpahayag din si Speaker Romualdez ng kumpiyansa sa magandang hinaharap ng ekonomiya ng Pilipinas sa lalong pagpapatibay ng relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas.

“We have found a wellspring of new hope for the Filipino people as President Biden and President Marcos Jr. discuss plans for a brighter future together. With a first-ever presidential trade and investment mission on the horizon, the Philippines can expect job creation and economic growth,” sabi ni Speaker Romualdez na personal na nasaksihan ang makasaysayang pagpupulong ng dalawang Pangulo.

Kasama ni Marcos si Romualdez ng magtungo ito sa White House.

“It is a promising partnership for progress and prosperity. What will follow is renewed confidence in the Philippines when it comes to investments, not only from the United States but from the rest of the world as well. This is a powerful message, seeing the two leaders discuss prosperity for our people,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang kumpiyansa ni Romualdez ay mula sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at President Biden sa White House kung saan kanilang inulit ang pagnanais na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Romualdez, nagkasundo ang dalawang lider na palawigin ang kooperasyon sa iba’t ibang isyu kasama rito ang pagpapadala ng kauna-unahang US presidential trade and investment mission sa Pilipinas na inaasahang lilikha ng mga mapapasukang trabaho at paglago ng ekonomiya.

“Amidst the positive outcome of the meeting between President Biden and President Marcos, the Philippine government expresses its eagerness for the upcoming job creation opportunities and looks forward to a continuous and fruitful partnership with the United States,” sabi ni Speaker Romualdez.

“The prospect of a presidential trade and investment mission fills the nation with hope and optimism for a brighter future,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sa panig ng Kamara, sinabi ni Romualdez na gagawin nito ang lahat upang maipasa ang mga panukalang batas na kailangan upang mapabilis ang pamumuhunan sa bansa na resulta ng US presidential trade mission.

“This is our mandate and promise to the Filipino people: we will make sure that whatever investments we shall obtain from this mission shall find fertile ground in our economy. We will ensure that these will benefit millions of Filipino citizens,” sabi pa ng Speaker.

Pumunta si Speaker Romualdez sa Amerika upang makipag-usap sa mga opisyal ng Amerika at iba’t ibang kompanya bilang paghahanda sa pagdating doon ni Pangulong Marcos.