Martin

Speaker Romualdez kumpiyansang darami US investment sa bansa

Mar Rodriguez Apr 22, 2024
125 Views

Matapos ang matagumpay na PH Dialogue, makasaysayang trilateral summit

KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na darami pa ang pamumuhunan ng mga Amerikano sa bansa matapos ang matagumpay na Philippine Dialogue sa Washington D.C. kung saan ipinakita ang kagandahan ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Sa naturang event, ipinakita ni Finance Secretary Ralph Recto sa mga negosyanteng Amerikano ang natatanging pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga magagandang polisiya ng administrasyon, na sinabayan ng pro-business reforms na mistulang red carpet para sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan.

Sina Speaker Romualdez at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez ay kabilang sa mga dumalo sa event na nilahukan din ng may 90 executives mula sa iba’t ibang US-based funds at corporations, multilateral institutions, at pampublikong sektor.

“The Philippine Dialogue marked a significant milestone in our efforts to foster robust economic partnerships with the United States,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong mga mamumuhunan na nagpahayag ng kanilang interes na mamuhunan sa bansa o palawigin ang kanilang kasalukuyang operasyon at sinusuportahan ang plano ng administrasyong Marcos na maging mabilis ang pagnenegosyo sa bansa.

“The enthusiastic response from American investors who recognize the immense potential and opportunities that the Philippines has to offer is a strong indication that our country is poised to attract substantial investments from US corporations seeking lucrative opportunities abroad,” saad pa ni Speaker Romualdez.

“The Philippines’ steadfast adherence to fiscal discipline and prudent debt management has garnered international acclaim, bolstering investor confidence and positioning the nation as a beacon of stability and growth in the Asia-Pacific region,” punto pa nito.

Tinukoy nito ang komento noong event ni HSBC Public Sector Banking Chairman of the Global Banking and Markets Michael Ellam na ang komprehensibong reporma ang nagpatatag sa bansa sa kabila ng hamong kinakaharap sa mundo.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nakadagdag din sa tinitignan ng mga mamumuhunan ang mga bata, tech-savvy, at English-speaking workforce ng Pilipinas.

Binigyan-diin ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng makasaysayang trilateral meeting nina Pangulong Marcos, US President Joe Biden, at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

“This landmark gathering reaffirmed the strong bonds of friendship and cooperation between the Philippines, the United States, and Japan, laying the groundwork for enhanced collaboration in various strategic areas, including trade, investment, and security,” sabi pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez patuloy na susuportahan ng Kamara si Pangulong Marcos upang matupad ang magandang pangarap nito sa Pilipinas na maging upper middle-income economy sa 2025.

“As we continue to chart a path towards sustainable economic development and prosperity, the House remains steadfast in our support for President Marcos, Jr. and his initiatives to foster closer ties with the United States and other key allies, driving forward the agenda of inclusive growth and shared prosperity for all,” wika pa ni Speaker Romualdez.