Cong. Martin G Romualdez

Speaker Romualdez: Magandang forecast sa PH magagamit ni PBBM sa paghikayat ng mga investor

165 Views

TIWALA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magagamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang magandang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.

Ayon kay Romualdez maganda ang nakikita ni Jo-Ok Lee, head ng Regional Agenda for the Asia Pacific region ng World Economic Forum, at Finance Sec. Benjamin Diokno sa magiging ekonomiya ng Pilipinas at ASEAN.

“President Marcos’ participation in the Davos meet this year is timely as favorable economic forecasts for both the Philippines and the ASEAN would serve him in good stead in his effort to secure more investments to allow our country to shake off the effects of the pandemic and protect us from global headwinds,” sabi ni Romualdez na bahagi ng opisyal na delegasyon ng bansa sa WEF.

Ayon kay Romualdez noong Enero 14, 2023 ay lumabas ang artikulo ni Jo-Ok Lee kung saan sinabi nito na ang ASEAN ay isa sa “few bright spot” sa ekonomiya ng mundo.

Aniya, nakapagtala ng paglago ang ekonomiya ng ASEAN noong 2022 sa kabila ang COVID-19 pandemic.

Nasa 4.4 porsyento umano ang inaasahang paglago ng ekonomiya ng ASEAN-6 (Indonesia, Malaysia, the Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam).

Ang mga ekonomiya umano sa ASEAN ay nangunguna na rin sa ilang sektor ng digitalization.

Sinabi rin ni Lee na ang Pilipinas ay Malaysia ay nangunguna sa aspetong ito at nakapagtaka ng paglago na 25% at 23% kada taon. Ang Pilipinas din umano ay nagsisilbing supplier ng online labor ngayon sa mundo.

Sa isang luncheon ng WEF, sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na inaasahan ng gobyerno ang magandang paglago ng gross domestic product (GDP) noong nakaraang taon at ang pag-angat ng ekonomiya ng 6.5% sa 2023.

“Taken together, these factors make a compelling case to showcase the Philippines as an investment hub during President Marcos’ interaction with global industry and government leaders at the World Economic Forum,” sabi ni Romualdez.

Si Marcos ay isa sa dalawang lider mula sa ASEAN na dumalo sa WEF.

Plano rin ng Pangulo na ilungsad ang Maharlika Investment Fund sa WEF.