Martin3

Speaker Romualdez: Mahihirap na naghahanap ng trabaho tulungan

204 Views

DAPAT umanong tulungan ng gobyerno ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

At isa sa mga hakbang na ginawa ng Kamara ay ang pagpasa ng panukalang batas upang mabigyan ng 20 porsyentong discount kung hindi man libre ang mga mahihirap na aplikante ng trabaho sa pagkuha ng mga clearance at iba pang dokumento na kailangan sa pagpasok sa trabaho.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill (HB) No. 8008 o ang “Kabalikat sa Hanapbuhay Act” na nakatanggap ng 270 boto nang pagbotohan sa ikatlo at huling pagbasa.

“The first big hurdle for indigent job seekers is the payment of fees for their employment requirements. If the government cannot aid them in hurdling the first obstacle to gainful employment, then I see a failure in public service,” ani Speaker Romualdez.

“It is within the government’s power to reduce or waive these fees to give our indigent citizens a head start in landing a job, given that these documentary employment requirements are issued by government agencies themselves. It is my belief that doing this will greatly help many of our citizens,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng HB 8008, bibigyan ng 20 porsyentong discount ang mga kuwalipikadong naghahanap ng trabaho sa pagkuha ng mga sumusunod:

– Barangay Clearance

– NBI Clearance

– Police Clearance

– Medical Certificate mula sa ospital ng gobyerno

– Medical Certificate para sa pagtatrabaho sa ibang bansa mula sa DOH-accredited medical facility for overseas workers and seafarers

– Marriage Certificate mula sa PSA

– Birth Certificate mula sa PSA

– National Certificate at Certificate of Competency (COC) mula sa TESDA

– Certificate of Civil Service Eligibility mula sa CSC

– at iba pang documentary requirement na aaprubahan at tutukuyin ng Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee

Wala namang bayad ang mga mahihirap na aplikante sa pagkuha ng mga sumusunod:

– Tax Identification Number mula sa BIR

– Transcript of Records, Transfer Credentials, Authenticated Copy ng Diploma, at Certificate of Good Moral Character mula sa mga State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges kung saan nagtapos ang aplikante

Maaaring makakuha ang mga nabanggit na benepisyo kada anim na buwan, ayon sa panukala.