Martin1

Speaker Romualdez: Nadiskubre ng Kamara gamitin para maparusahan onion cartel

139 Views

HINIMOK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang otoridad na sundan ang mga nadiskubre sa pagdinig ng Kamara upang makabuo ng matibay na kaso laban sa mga nasa likod ng kartel na nagpataas sa presyo ng sibuyas at nagpahirap sa publiko noong nakaraang taon.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos na isiwalat ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang mga pangalan ng mga indibidwal at kompanya na kung susumahin umano ang koneksyon at ginagawa ay mababanaag ang isang kartel.

“I call on the concerned authorities like the National Bureau of Investigation, the Philippine Competition Commission and the Department of Agriculture to work together to stamp out this cartel and spare our people from further suffering caused by their unscrupulous trade practices,” sabi ni Speaker Romualdez.

“The extensive hearings conducted by the House have already provided good leads which our authorities can follow to build an air tight case and prosecute those involved,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ayon kay Speaker Romualdez maaaring maharap ang mga nasa likod nito sa paglabag sa Philippine Competition Act (PCA) na may parusang hanggang P100 milyong multa at kulong na hanggang pitong taon.

Ang multa ay maaaring gawing triple kung ang sangkot ay produktong agrikultural.

Sinabi ni Speaker Romualdez na itutuloy ng Kamara ang paggawa ng mga hakbang upang maproteksyunan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

“The Filipino people deserve to have access to affordable food. We will not rest until we achieve this goal,” dagdag pa nito.

Umabot sa P700 ang kilo ng sibuyas sa huling bahagi ng 2022 kaya nagpatawag si Speaker Romualdez ng imbestigasyon upang hindi na ito maulit.

Samantala, pinuri naman ni Speaker Romualdez si Quimbo sa masigasig na pagtatrabaho nito upang makilala ang mga nasa likod ng kartel at kung paano ang operasyon nito.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang Committee on Agriculture and Food.

“Rep. Quimbo lived up to her name and did a stellar job. Her expose is major step forward in our efforts to bring down the prices of this essential commodity,” sabi ni Speaker Romualdez.

“But credit must also be given to the Committee on Agriculture and Food, led Chairman and Quezon 1st District Rep. Wilfredo Mark Enverga, for its persistence in the effort to get into the bottom of this controversy,” dagdag pa ng lider ng Kamara.