donation Tinurn-over ni House Speaker Martin G. Romualdez ang cash donation na nagkakahalaga ng P5 million kay Navotas Lone Dist. Cong. Tobias “Toby” Tiangco at 500 sako ng bigas bilang tulong para sa mga naging biktima ng sunog sa isang residential area sa Navotas. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez nagbigay ayuda sa mga biktima ng sunog sa Navotas

Mar Rodriguez Nov 15, 2022
159 Views

IPINAHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na sinamantala nito ang pagkakataon sa okasyon mismo ng kaniyang kaarawan upang mamahagi o magkaloob ng tulong para sa mga naging biktima ng malaking sunog sa Navotas City bilang mga kauna-unahang benepisyaryo.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang P70.92 million ay mula sa nalikom nilang cash at pledges para naman sa mga naging biktima ng bagyong Paeng sa pamamagitan ng ikinasa nilang “relief drive”.

Nauna rito, napag-alaman na tinatayang limang katao habang dalawa naman ang nasugatan matapos magkaroon ng malaking sunog sa isang residential area sa Navotas City nitong nakaraang Lunes (Nobyembre 14).

Ayon kay Romualdez, nakalikom ang Kamara de Representantes ng P49.2 milyong “cash contributions at pledges”. Kabilang na ang donasyon tulad ng kumot, pagkain at toiletries mula sa mga kongresista.

Nagpaabot din ng malaking pasasalamat ang House Speaker kina President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at First Lady Lisa Araneta-Marcos, dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senior House Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1stDist. Cong. Alexander “Sandro” A. Marcos.

“I’d really like to thank all of you who contributed to help those who were badly affected. Mr. President (Marcos) I’d really like to tell you how proud I am of the members of the House of Representatives and our friends here for making possible our mission of helping those who are in need during calamities and disasters,” ayon kay Speaker Romuldez.