Calendar
Speaker Romualdez nagbigay pugay sa mga guro
NAGBIGAY pugay si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez sa mga Filipino teachers matapos nitong ipaabot ang kaniyang taos puso at marubdob na pagbati sa lahat ng mga guro kaugnay sa pagdiriwang ngayon ng National Teacher’s Day.
Nakikiisa si Speaker Romualdez sa pagbibigay pugay sa lahat ng mga Pilipinong guro bilang bahagi ng selebrasyon National Teacher’s Day. Kung saan, kinikilala din ni Romualdez ang mga sakripisyo ng mga guro para lamang magkaroon ng de-kalidad na edukasyon.
“This special occasion aptly reminds us of the great services that our teachers contribute in value-formation and nation-building throughout the years,” sabi ni Romualdez.
Pinasasalamatan din ng House Speaker ang mga Pilipino teachers dahil sa kanilang hindi basta-basta matatawarang sakripisyo alang-alang sa kanilang propesyon para sa kapakanan ng kanilang mga estudyante.
“Sa aming mga guro, maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo. Your commitment to duty and diligent efforts, especially in the age of pandemic is deeply appreciated. Hindi po namin malilimutan ang lahat ng naituro ninyo,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Romualdez na kinikilala din niya ang mahalagang papel na ginagagampanan ng mga Filipino teachers para sa pag-unlad ng kanilang mga estudyante kabilang na ang malaking kontribusyon na naibibigay nila sa lipunan mismo.