Martin

Speaker Romualdez nagpasalamat kay Japanese PM Kishida

Mar Rodriguez Nov 5, 2023
194 Views

NAGPASALAMAT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagtalumpati sa joint session ng Kongreso nitong Sabado.

“In the spirit of unity and partnership, we extend our sincere and heartfelt appreciation to his excellency, Prime Minister Kishida Fumio,” ani Speaker Romualdez.

“With reverence and hope for our shared future, today’s discourse fortifies the bridge between our great nations. Maraming salamat at mabuhay po tayong lahat!,” dagdag pa ng lider ng mahigit 300 kongresista.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ng Japanese Prime Minister ang kahalagahan ng pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Japan.

Nangako rin ito na patuloy na susuportahan ang pag-unlad ng Pilipinas.