speaker romualdez Makikita si 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF31) Co-Chairman at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagpapasalamat sa mga forum delegates sa farewell dinner reception na kanyang hinost sa Makati Shangri-La Hotel sa Makati City Sabado ng gabi. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez nagpasalamat sa Asia Pacific counterparts

Mar Rodriguez Nov 26, 2023
144 Views

Sa pagtulong sa pananatili ng kapayapaan, pagkakaintindihan sa rehiyon 

Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kapwa nito mambabatas sa mga bansa sa Asia Pacific region na nagsusulong ng pagpapanatili ng kapayapaan, unawaan at pag-unlad ng rehiyon.

Ipinarating ni Speaker Romualdez ang kanyang pasasalamat sa farewell dinner speech ng 31st annual meeting ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) noong Sabado ng gabi.

“Through the APPF-member Parliaments’ active engagement and resilient partnerships, we were able to ensure a respectful and peaceful resolution of our common concerns,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes at ikaapat na pinakamataas na lider ng bansa.

“It is my belief that as Parliamentarians, we were able to accomplish our primary objective – to frame and execute legislative initiatives that are focused on cultivating crucial elements necessary to attain peace and support sustainable economic growth,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Ipinarating din ni Speaker Romualdez ang kanyang kasiyahan sa naganap na palitan ng ideya, karanasan, at best practices ng mga Parliamentarian sa Asya Pasipiko na nagresulta sa pagiging bukas at pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa.

“In light of the distinctive and often challenging circumstances surrounding the Asia-Pacific Region, we managed to navigate around the most pressing issues confronting us and acknowledged that there is a need for deeper awareness and understanding of our countries’ respective orientation, culture and dynamics,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang pasasalamat sa mga delagadong lumahok sa APPF sa kanilang pagnanais na makagawa ng mga polisiya upang maharap ang iba’t ibang hamon sa rehiyon.

“On behalf of the people and government of the Philippines, I would like to express my gratitude to each one of you for your outstanding representation of your respective countries and for demonstrating unity in solidarity with your counterparts from other Parliaments to pursue the ideals and goals of the APPF,” dagdag pa nito.

“It is my fervent hope that you would return to your respective countries with a renewed sense of urgency and expedite the course of action and fulfill the agreements we have established during your time here in the Philippines,” sabi pa ni Speaker Romualdez.