Martin

Speaker Romualdez nagpasalamat sa tulong ng US

140 Views

NAGPASALAMAT si Speaker Martin G. Romualdez sa Estados Unidos sa tulong na ibinigay nito sa Pilipinas upang malabanan ang COVID-19 pandemic.

Ipinaabot ni Romualdez ang kanyang pasasalamat kay State Department Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Daniel Kritenbrink sa isang pagpupulong sa Washington DC noong Martes (oras sa Amerika).

Ayon kay Romualdez nanatiling matatag ang alyansa ng Pilipinas at Amerika at kumpiyansa ito na lalo pa itong titibay sa mga darating na panahon.

“As we both affirm the strengthening of Philippine-US partnership today, we would like to seize this occasion also to extend our gratitude for the continued cooperation to our country as well as your valuable assistance in our fight against the COVID-19 pandemic,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez kay Assistant Secretary Kritenbrink na makatatanggap ng suporta mula sa Kamara de Representantes ang mga panukala na lalong magpapalalim sa kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos partikular sa sektor ng kalakalan, kalusugan at seguridad, kalikasan at climate change, seguridad sa enerhiya at interconnectivity.

“I am confident that our meeting today would further lead to stronger relations between our countries, and would help attaining peace and prosperity in the entire Asia-Pacific region,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ayon kay Romualdez layunin ng kanyang pakikipagpulong sa opisyal ng Amerika ang lalong pagpapalawak at pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa partikular ang kooperasyong pang-ekonomiya.